top of page
Search
BULGAR

Gobyerno at publiko, dapat parehong natututo sa gitna ng pandemya

@Editorial | May 14, 2021



Sadyang maraming naidulot ang COVID-19 sa buhay ng bawat isa.


Talagang sinubok nito ang katatagan ng lahat. Maraming buhay ang nawala, kabuhayang bumagsak at nakita kung ano’ng klaseng mamamayan at gobyerno meron tayo.


Bagama’t, hindi natin inaasahan ang sitwasyon at masasabing hindi talaga tayo handa at pare-parehong nangangapa, sana naman sa mga panahong ito ay natuto na tayo.


Sa ating pamahalaan, sana’y may mas maayos na tayong sistema na dapat ipatupad at tiyaking sinusunod. Lahat ng mga kakulangan, sana’y unti-unti nang napupunan, tulad ng mga pangangailangan sa ating sistemang pangkalusugan — pasilidad, kagamitan at mga gamot.


Ngayon din natin nakikita ang mga problema na tila hindi napagtutuunan ng pansin. Sa halip na nasolb na noon, isyu pa rin hanggang ngayon, halimbawa ang hindi pa rin naaayos na sahod at benepisyo sa mga health workers. Buong-buo ang kanilang serbisyo at dedikasyon pero hindi naman sapat ang kanilang natatanggap na suporta mula sa gobyerno.


Sana’y natuto na rin ang publiko sa lahat ng nangyayari, bagama’t hanggang ngayon ay libu-libo pa rin ang nahuhuling pasaway. Tulad sa isang lungsod na 3,200 katao ang nahuli sa ikinasang “one-time, big-time” operation sa 142 barangay. Patunay na hindi pa rin natuto ang iba sa atin.


Huwag na sanang hintayin na lumala pa ang kaso ng COVID-19, ngayon pa lang ay tapusin na dahil marami na ang nagsakripisyo at grabe na ang epekto ng pandemya sa bawat pamilya at sa buong bayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page