ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 11, 2024
Sinuspinde ng Office of the President si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib ng 60 araw dahil sa isang reklamo laban sa kanyang administrasyon.
May petsa na Abril 8, 2024 ang utos na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na inihatid ng mga opisyal mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes, sa kabila ng resistensya mula sa mga tagasuporta ni Jubahib at mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Bersamin, layunin ng pansamantalang suspensyon ang pigilan si Jubahib na impluwensyahan ang mga testigo at magdulot ng banta sa ebidensya ng kaso ng malubhang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Sinabi ni Regional Director Abdullah Matalam ng DILG-11 sa mga lokal na mamamahayag nitong Huwebes na si Vice Governor De Carlo Uy ang magsisilbing gobernador sa loob ng 60 araw.
Comments