ni Fely Ng - @Bulgarific | May 16, 2021
Hello, Bulgarians! Opisyal nang naging #1 NGO page at fastest-growing NGO page sa bansa ang Go Negosyo. Kamakailan ay nakamit ng Go Negosyo Facebook page ang two million followers, isang malaking milestone sa hangarin nitong ibsan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
Ang Go Negosyo ang mayroong pinakamalaking audience sa lahat ng Philippine NGO pages sa bansa lamang ng kumulang isang milyon sa sumusunod dito, #2 Philippine Red Cross (1,167,673) at #3 World Health Organization Philippines (1,001,266).
Nakabilang din ito sa Top 100 sa buong mundo, ang natatanging NGO na nakapasok galing sa bansa — nagpapatunay sa dedikasyon nitong maabot ang bawat Pilipino at tulungan silang makamit ang kanilang entrepreneurial dreams.
“As we reach this milestone, I want to show my utmost appreciation to our partners for their untiring support. Without them, none of this would be possible. More importantly, I would like to thank our two million followers for believing in our vision of an enterprising Philippines. We have been doing this for 15 years already. And we saw the opportunity to scale up,” saad ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion.
“Go Negosyo will continue to provide Filipinos access to mentorship, money, and market through its programs,” ani Concepcion.
Bilang selebrasyon at way of giving back sa mga followers nito, nagsimulang magbigay ang Go Negosyo ng Php5,000 dagdag-puhunan sa sampung masusuwerteng negosyante noong May 10 at magpapatuloy hanggang July 10, araw-araw — Php2 milyong pandagdag-puhunan sumatotal. Parte ito ng kanilang programang “Manalo at Mag-Negosyo” kung saan ini-engganyo ang mga negosyante na kumuha ng selfie kasama ang kanilang negosyo. Ang mga mananalo ay pipiliin sa Mentor Me Online (MMO) show nito, live tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6PM.
Ang MMO ay mahalagang online pivot para sa Go Negosyo. Itinuloy nito ang events-based Mentor Me program at ginawang posible na patuloy na makapagbigay-kaalaman ang Go Negosyo sa ating mga negosyante sa kabila ng pandemya at mga limitasyong ipinataw nito. Nais ni Concepcion na ipagpatuloy ang hangarin ng Go Negosyo na ibsan ang kahirapan sa bansa sa pagnenegosyo at ipagpapatuloy ito sa pamamagitan ng mga online programs at limitadong on-the-ground presence.
Kabilang din sa ibang programa nito ang Kapatid Mentor Micro Entrepreneurs Program (KMME) at Kapatid Agri Mentor Me Program (KAMMP). Sa pag-pivot na ito ng Go Negosyo at sa patuloy na mentorship nito online, lalo pang lumalago ang mga audience nito at maging ang partner entrepreneurs nitong nagkakaroon pa ng mas malawak na access sa iba’t ibang platform.
Ang MMO ay nakapag-produce na ng 600 episodes at nakapagtanghal ng 2,000 guests/entrepreneurs. Php12 milyong dagdag-puhunan na ang naibigay nito sa higit 1,500 winners at higit 300 online sellers na ang nabigyan nito ng libreng marketing platform para sa kanilang mga negosyo. Sa KMME, nakapag-produce na ito ng 8,823 mentee graduates, at dagdag pang 1,400 mentees sa pagtatapos ng taon. Sa mga programa naman ng KAMMP, higit 1,600 graduate mentees mula sa higit 1,200 associations at cooperatives na may higit 130,000 members sa buong bansa na ang nakinabang.
Higit pa sa pagnenegosyo, ang Go Negosyo rin ay aktibo sa pagsusulong ng mga inisyatibo sa testing at kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19, kumikilos ito gamit ang framework of access, education, and execution at makikita ito sa kanilang programa tulad ng “A Dose of Hope” na sinigurado ang ating access sa mga bakuna, ang “Let’s GO Bakuna” campaign kung saan tinataguyod nito ang kahalagahan ng pagbabakuna, at ang nakaraang kasunduan nito kasama ang Zuellig Pharma Corp. na sinigurado ang facilitation at execution ng pagbabakuna.
“We know that our unemployment rate today is alarming. That’s why we have doubled our efforts in addressing the health issue so we can further open our economy and generate jobs in the process. With this, at this crucial stage, I call on the labor sector to join us in making our employees realize that we need everybody to be able to get through this pandemic. We need to convince our employees that we must take the vaccine so we would be able to save lives and livelihoods,” saad ni Concepcion.
Dagdag pa ni Concepcion, “Go Negosyo will continue to use its Facebook platform and the community that it has created to continuously empower and enable Filipino entrepreneurs.”
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments