GMA-7, TUWANG-TUWA NA HUMAHATAK SA RATINGS DAHIL SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 5, 2025
Photo: TNT Grand Resbak 2025 sa It's Showtime - FB
Grabe ang puksaan sa Grand Resbak ng Tawag ng Tanghalan (TNT) na ngayong araw (Sabado) ay malalaman kung sinu-sino at aling pangkat ang aabante pa sa finals.
Ang naturang segment nga ang inaabangan ng marami sa It’s Showtime (IS) dahil tunay namang nandu’n na nga yata ang lahat ng mahuhusay na kontesero sa pag-awit.
May mga personal favorite kami gaya ng sa Pangkat Agimat na sina Marko Rudio, Rachel Gabreza, Jezza Quiogue, at Nowi Alpuerto, at sa Pangkat Alab na sina Eich Abando, Raven Heyres, Mark Justo, at Pangkat Alon na sina Arvery, Ayegee, at marami pang iba.
Sa ating pagkakaalam ay ito ‘yung portion na si Meme Vice Ganda na ang co-producer, kaya’t hindi nakapagtatakang dito na rin itinatambak ang punumpunong commercial loads.
At kahit may mga paminsan-minsang kumokontra sa desisyon ng mga hurado, hindi maitatangging palung-palo at invested nang todo ang mga netizens at viewers sa show.
Happy naman ang GMA-7 na sa kanila umeere ang IS dahil isa nga raw ito sa mga programang nagbibitbit din sa network pagdating sa noontime ratings at viewership.
Kahit kami, Ateng Janiz, at mga Ka-BULGAR ay hindi na nagawang tapusing basahin ang napakahabang litanya ni Kris Aquino sa socmed (social media) explaining and detailing things about her and her side, her latest condition etc. etc.
No wonder, kahit ang iba niyang mga supporters at prayer warriors ay nagbibigay na rin ng kanilang payo na imbes na ubusin ang kanyang energy sa mga bagay na hindi naman interesado ang mga tao ay dapat tigilan na niya.
Enough na raw ‘yung naibahagi niya sa madla ang pagiging matapang at hindi sumusuko sa laban but she has to remember and know daw na hindi lang siya ang tao sa mundo na may ganyan (o higit pa) ring pinagdaraanan.
At dahil diyan, hindi na rin pinalusot ng mga netizens ang kanyang mga ate sa bashing at kahit na ang buong angkan niya na tila raw hindi na rin sinusunod o pinapakinggan ni Kris.
May nagkomento pang mga nag-aaral ng kasaysayan at nagsabing ano’ng klaseng legacy na lang daw ang maisusulat sa angkang may mga bayani kung mayroong ganyang, “In guise of being true ay nakapananakit at puro tungkol sa sarili ang ibinibida?”
Aguy, uy!
SPEAKING of GMA-7, bibida naman si Sparkle star Andrea Torres sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Akusada.
Ito ang comeback series ni Andrea matapos gampanan ang iconic role na “Sisa” sa Maria Clara at Ibarra (MCAI) kung saan nanalo siya bilang Best Actress in a Supporting Role sa Platinum Stallion National Media Awards.
Kamakailan lang ginanap ang story conference para sa Akusada, kung saan makakasama ni Andrea ang iba pang Sparkle artists na sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Princess Aliyah, at Jeniffer Maravilla.
Ayon kay Andrea, todo-paghahanda na siya para sa kanyang kakaiba at challenging role.
Aniya, “Pinanood po namin ‘yung isang documentary na ginawa ni Ms. Kara David. Sobrang dami n’yang naitulong sa amin pagdating sa kung paano ko ipoposisyon ‘yung sarili ko sa role na ito.
“Sa likod ng mga nakikita natin sa araw-araw na buhay, ito pala ‘yung pinagdaraanan nila.”
TULUY-TULOY pa rin sa paggawa ng ingay sa loob at labas ng bansa ang groundbreaking live-action adaptation na Voltes V: Legacy (VVL).
Kalahok ang serye sa 2025 Golden Horse Fantastic Film Festival sa Taipei, Taiwan.
Ipapalabas ito sa April 13 at 17 bilang bahagi ng nasabing film festival.
Kasunod niyan, mapapanood din sa mga piling sinehan sa Taiwan at Hong Kong ang masterpiece collaboration sa pagitan ng GMA Network, Toei Company, at Telesuccess Production.
Comments