ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 26, 2024
Photo: Heart Evangelista - IG
Nag-react si Heart Evangelista bilang Global Fashion Icon.
“I try not to think about the numbers or being on top. I just want to keep going and enjoying.
"I’m very flattered, but I’m very pressured,” wika pa niya.
Hangga’t maaari raw ay gusto niyang i-focus ang kanyang journey sa fashion world.
Si Heart ang highest-ranking celebrity from APAC in media impact value for the Spring/Summer 2025 season of Paris Fashion Week (PFW).
Ayon sa marketing and analytics platform na Launchmetrics, si Heart ay naka-generate ng $10.6 million in Media Impact Value (MIV), making her the top-performing APAC celebrity for the fashion week.
Ani Heart, the feat is for the Filipinos.
“I mean, to be put on the map, that says a lot na deserving tayo of all the luxury that our country is worth investing in when it comes to putting up stores.”
Natanong din siya kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang fashion content na laging fresh at relevant.
“I try to take a break. I am still hands-on with my reels. I do [storyboards], stuff like that, but if there’s nothing flowing, I just don’t push it because what keeps me going even when I’m tired it’s not a brand, it’s not a persona, it’s not a made-up character that I have to keep creating storylines for or whatever. It’s who I am so it will naturally come, I just have to wait,” pagbabahagi ng misis ni SP Chiz Escudero.
Dagdag pa niya, “I guess it will keep the ball rolling as long as you are yourself, you’ll never run out of outfits to pair with because you're always going to feel something organic that day.”
Excited si Julia Montes sa ipinost niya sa kanyang Instagram (IG) page na poster ng movie nila ni Arjo Atayde, ang Topakk.
Kasama kasi sa napili ang kanilang pelikula under Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ani Julia, “Oh yes, this is it! TOPAKK this MMFF 2024 na!”
Ang daming nag-congratulate sa aktres nang masama sa napili ang kanilang movie na tila may temang suspense-action-thriller.
Makakasama nina Arjo at Julia sina Sid Lucero at Kokoy de Santos, a film by Richard Somes.
Komento ng mga netizens:
“Excited to see this already iconic movie and your equally iconic role as Weng Diwata! Congratulations, Juls!”
“Best actress ‘yang asawa ni Coco.”
“OMG!!! @montesjulia08 and @arjoatayde from 24/7, tapos ngayon, can’t wait!!!"
“Wow! Ito ‘yung inaabangan ko... Pang-MMFF pala ‘to kaya ang tagal ipalabas.”
"Congratulations, mapapanood ko na rin si Julia sa MMFF. Go, Julia! Manalo ka sana.”
"Wow, pang-drama na, pang-action pa.”
“Finally, a movie worth watching.”
TV5, maglalabas ng statement… MGA FEMALE CO-HOSTS NI WILLIE, TSINUGI NA SA WIL TO WIN
Photo: Willie Revillame & Co-hosts - Wil To Win
INALIS na umano ang mga co-hosts ni Willie Revillame sa kanyang game show na Wil To Win (WTW) na sina Christine Bermas, Ana Ramsey, Cindy Miranda at Almira Teng.
Sila ang mga female co-hosts ni Kuya Wil magmula nang magbalik-TV ang WTW nu'ng July.
Bakit kaya inalis ang mga female co-hosts? Nagtaka umano ang mga viewers, nasorpresa ang mga netizens dahil ibang mga mukha na ang kasama ni Kuya Wil. Hindi na rin daw parte ng show ang former beauty queens na sina Roberta Tamondong at Gab Basiano as online hosts.
Ang social media influencer na si Inday Fatima at comedienne na si Boobsie Wonderland na lang daw ang natira sa show.
Ayon sa insider ng programa, may malaki umanong pagbabago na magaganap. Maglalabas daw ng official statement ang TV5 management hinggil sa isyung ito.
May sitsit pang lumalabas na kaya umano tinanggal ang mga female co-hosts ni Wil ay dahil may gagawin umano ang mga ito para sa senatorial bid ni Willie.
Para sa kaalaman ng lahat, ang TV host ay nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) bilang senador this 2025 elections. Tumatakbo siya bilang independent candidate.
Comments