top of page
Search

Glaiza, wagi bilang Best Actress sa World Class Excellence Japan Awards

BULGAR

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 20, 2024



FIle Photo


Nagwagi si Glaiza De Castro bilang Best Actress sa World Class Excellence Japan Award (WCEJA). Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang mga larawan mula sa seremonya kung saan pinarangalan siya para sa kanyang papel sa TV series na ‘The Seed of Love.’


“Every award and recognition is a reminder that there are people who helped and guided you along the way. This achievement is for the cast and crew of The Seed Of Love! Started before the pandemic, waited for 2 years and finished with flying colors,” saad ni De Castro.


“Thank you World Class Excellence Japan Awards for this recognition! Nakakataba ng puso,” dagdag niya. Sa serye, ginampanan ni Glaiza ang papel ni Eileen, ang asawa ng karakter ni Mike Tan na si Bobby, na nagpasya na ipa-freeze ang kanyang sperm cell dahil sa takot sa cancer.


Napagkasunduan nina Bobby at Eileen na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization gamit ang kanyang napreserba na sperm cell.


Ang ‘Seed of Love’ ay ipinalabas sa GMA mula Mayo hanggang Agosto 2023. Sa ngayon, inaasahan ang pagbabalik ni Glaiza bilang Pirena sa spin-off series ng ‘Encantadia’ na ‘Sang’gre.’

1 comment

1 Comment


han gu
han gu
Jun 20, 2024

选择可靠的作业代写服务对于留学生来说是非常重要的。它能够保障留学生的学术可信度,节省他们的时间和精力,并且提升他们的作业写作能力。因此,在选择作业代写 https://www.12y.org/ 服务时,留学生们应该谨慎选择,选择那些具有专业性、可靠性和合法性的代写机构。只有这样,留学生们才能够获得最好的写作帮助,取得更好的学术成绩。

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page