ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 17, 2024
Inihayag ng aktres na si Glaiza De Castro na balak nilang imbitahin ang Nation's Girl Group na BINI sa show na 'Running Man Philippines.'
Sa X (dating Twitter), sinagot ni Glaiza ang tanong ng isang netizen na, “Beshy, kailan n'yo iimbitahin sa ‘Running Man Philippines’ ang BINI?” “’Pag nag-Season 3 tapos kumpleto kaming 8, para pairing kami hihi,” sagot ng aktres. "Manifest natin 'to," dagdag pa niya sa hiwalay na post.
Kabilang sa cast ng "Running Man Philippines" si Glaiza, kasama sina Mikael Daez, Angel Guardian, Kokoy De Santos, Buboy Villar, Lexi Gonzalez, at Miguel Tanfelix. Ang "Running Man Philippines" ay isang reality competition TV show sa Pilipinas, na base sa isang sikat na South Korean television variety series na may parehong pamagat.
Comments