top of page
Search
BULGAR

Girls, alam n'yo na! DIEGO 'DI NANINIWALA SA KASAL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 24, 2023




May babae kayang papayag na maging karelasyon ni Diego Loyzaga kung hindi naman siya pakakasalan ng aktor? At okey lang ba na magkaanak sila kay Diego nang hindi kasal?


Sa isang interview ay nabanggit ni Diego Loyzaga na hindi siya naniniwala sa kasal. Isa lang daw itong kapirasong papel at hindi garantiya na hindi maghihiwalay ang married couple.


At para kay Diego, marami pang pagdaraanang proseso kung gusto nang kumalas sa relasyon at magpa-annul ng kasal ang mag-asawa.


Well, may sariling paniniwala si Diego Loyzaga tungkol sa kasal, kaya kahit mahal na mahal niya ang ina ng kanyang baby girl ngayon, wala sa plano niya na ito ay pakasalan.


Hindi siya mapipilit kahit na may anak na sila ng kanyang karelasyon.


Para sa amin, napaka-unfair nito sa sinumang babae na mauugnay kay Diego. Sino ang tatagal sa live-in lang na walang kasiguruhan at puwede niyang iwanan kapag ayaw na niya? Baka naman hindi pa nakakatagpo si Diego Loyzaga ng babaeng katapat niya?


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page