top of page
Search
  • BULGAR

Girl na pinagselosan ni Priscilla, nakilala raw sa Boracay… JOHN, INAMIN NA ANG TOTOONG RELASYON KAY LILY HALLMAN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 22, 2024



Showbiz News
Photo: SS from video / Circulated

Maraming netizens ang nagtatanong kung mapapanindigan ba ni Priscilla Meirelles ang kanyang desisyon na humiwalay na kay John Estrada.


Nasa Brazil ngayon si Priscilla sa piling ng kanyang parents kasama ang anak nila ni John, pero nagpasabi namang may balak pa ring bumalik ng 'Pinas.


Base sa mga cryptic posts ni Priscilla, pagod na ito sa pambababae ni John. Ilang beses na raw na ginagawa ito ng aktor at pinapatawad naman niya dahil nangangakong magbabago na.


Paliwanag naman ni John, wala siyang relasyon kay Lily Hallmann, ang babaeng pinagselosan ni Priscilla. Nakilala lang daw niya si Lily sa Boracay at walang namamagitan sa kanila.


Sey pa ni John, ang paghihiwalay nila ay mutual agreement. Pero, kinontra agad ito ni Priscilla dahil hindi raw ito totoo.


Well, aabangan na lang ng mga Marites sa showbiz kung aabot sa diborsiyo ang hiwalayang Priscilla-John. Manunuyo bang muli si John sa kanyang wifey o makikipagtikisan na rin?

 

Maraming netizens ang naiintriga sa isang teaser ni Phillip Salvador sa social media. Pangalan lang niya at larawan ang nakalagay, tapos may nakasulat na “Mr. Epektibo 2025”. 


Ito na kaya ang unang hakbang ni Kuya Ipe sa pagpaparamdam sa pagtakbo niyang senador sa 2025? 


Well, malaking halaga ang kakailanganin ng isang kandidato kahit na mayor lang ang

tatakbuhin, eh, di lalo na kung pagka-senador.


Dapat ay dumikit siya sa malaking political party upang hindi gaanong gumastos sa pangangampanya. 


Mukhang seryoso na nga ang tatay ni Joshua Aquino na maging isang public servant. Asahan na ni Kuya Ipe ang banat sa kanya ng mga bashers. 


 

MAY mga nagtatanong kung makakatulong ba sa career ngayon ni Jericho Rosales (Echo) ang balitang panliligaw niya kina Kathryn Bernardo at Janine Gutierrez.


Hindi na kasi siya bagets at hindi rin heartthrob ang build-up sa kanya. Magaling na aktor si Echo, du’n siya dapat na sumentro, hindi sa panliligaw kung kani-kaninong artista para lang mapag-usapan. 


Bakit hindi na lang niya gayahin si Piolo Pascual (Papa P) na habang tumatagal ay lalong humuhusay sa pag-arte dahil nakaganap na sa iba’t ibang klaseng roles? 


Hindi lang pang-rom-com (romantic comedy) si Papa P, tinatanggap niya ang mahihirap na roles na hindi kayang gawin ng ibang aktor. Hindi siya image conscious, kaya nagle-level-up ang kanyang pagiging aktor.


Ganu’n dapat ang ginagawa ni Echo, hindi ang paghahanap ng kapalit ng misis niyang si Kim Jones. Hindi na siya ka-level nina Daniel Padilla, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, David Licauco at iba pang young actors. Maraming magagaling ngayon sa bagong henerasyon na mga aktor, baka mapag-iwanan si Jericho Rosales kung hindi pa siya kikilos.


 

GUMANDA ang takbo ng career ni Bayani Agbayani ngayong nasa pangangalaga na siya ng Viva Entertainment. Maayos ang mga plano sa kanya at binibigyan siya ng tamang project. 


Tulad ng pagkakasama niya sa bagong sitcom ng TV5, ang Da Pers Family na pinagbibidahan nina Aga at Charlene Muhlach kasama ang kambal nilang anak na sina Atasha at Andres. 


Well, dati-rati ay sidekick ni Cesar Montano ang madalas gampanan ni Bayani Agbayani. Ngayon naman ay napunta siya kay Aga Muhlach. Matagal nang magkaibigan sina Aga at Bayani, kaya gamay na nila ang isa’t isa. 


Bukod sa pagpapatawa, bihasa na rin si Bayani sa pagho-host ng show tulad ng kanyang exposure noon sa Tropang LOL. Ito ang nami-miss gawin ni Bayani, kaya wish niya ang makasama siya sa isang variety show.


0 comments

Komentarai


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page