top of page
Search

Ginto at tanso, iniuwi ni Yulo sa Japan tilt

BULGAR

ni Gerard Arce / MC - @Sports | September 25, 2021



Nakabig ni Filipino gymnast Carlos Adriel Yulo ang dalawang medalya sa isang kompetisyon matapos ang Tokyo Olympics.


Mag-uuwi siya ng gold at bronze medal sa bansa matapos na dominahin ang 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championships sa Yamagat noong Huwebes. Nagkampeon ang 21-anyos na gymnast sa floor exercise title matapos na makakuha ng 15.300 points habang nakuha ng bronze sa vault sa iskor na 15.000. “#Revenge the Tokyo,” ayon sa post ni Munehiro Kugimiya sa Facebook.


Si Yulo, ang reigning world champion sa floor exercise, ay nagtapos sa ika-41 puwesto sa Tokyo Summer Games noong Agosto. Dedepensahan niya ang kanyang 2021 World Artistic Gymnastics Championships sa Kitakyushu, Japan sa susunod na buwan katunggali sina Artem Dolgopyat ng Israel at Xiao Ruoteng ng China.


Naunang tinalo ni Yulo sina Dolgopyat at Xiao – ang gold at bronze medalists sa Tokyo Olympics noong 2019 edition ng world gymnast.


Matatandaan na sa Tokyo ay hindi nakamit ng 2018 Doha World champion bronze medalist ang inaasam na medalya sa paborito nitong floor exercise nang makamit lang ang 13.566 para sa -41st place, gayunpaman kinakitaan ito ng malaking pagbabago sa vault event kung saan tumapos ang 4-foot-11 gymnasts ng 14.716 sa kabuuang iskor para lumapag sa kabitin-biting 4th place finish sa likod nina bronze medalists Arthur Davtyan ng Armenia (14.733), silver medalist Denis Abliazin ng Russia (14.783) at champion Jeahwan Shin ng South Korea sa 14.783.


Hindi lang lubos maisip ang maliit na pagkakamaling nangyari sa unang pagsubok nito, kung saan napagilid ito sa unang isinagawang trick na nagdulot sa iskor na 14.566, habang tinapos ang ikalawang performance sa mas magandang tapos na 14.866 na iskor.


Inamin ni Yulo na patuloy itong mananatili sa Japan upang magsanay at maghanda para sa darating na kompetisyon sa susunod na buwan para sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships simula Oktubre 18-24 sa Kitakyushi, Japan, habang maaaring panatilihin niyang sikreto ang gagawing pag-eensayo bilang preparasyon ng tatlong taon para sa pinakahahangad na panalo sa Olympiad.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page