top of page
Search
  • BULGAR

Ginaya si Keannu Reeves… XIAN, WA’ NANG PAKI SA SASABIHIN NG IBA

ni Beth Gelena @Bulgary | June 19, 2024



Showbiz news

May ini-repost si Xian Lim sa kanyang Instagram (IG) Story na isang nonchalant quote mula kay Keanu Reeves. 


Nakalagay sa quote, “I'm at that stage in life where I stay out of discussions. Even if you say 1+1=5. You're right, have fun.”


Ang nasabing quote ay ni-like rin umano ni Daniel Padilla, kaya may nag-comment na birds of the same feather flock together talaga.


Komento ng iba pang netizens…


“Hahahaha! Mga lalaking sumikat dahil sa mga ex nila.”


“Birds of the same feathers are the same birds.”


“Umay na, Xian. Una sa lahat, sure ka bang kay Keanu galing ‘yang quote?”


“‘Di ba smart 'kuno’ s’ya? He must be right, ahh.”


“But isn’t he the one starting the discussion?!”


“‘Di ba? Kahit ‘di naman tinatanong, laging isinisingit ang topic, pati sa game show, ‘di pinalampas.”


“Quote for others because obviously it doesn’t apply to him.”

“Ano'ng tawag sa taong they say something but act differently? Hypocrite, ‘di ba? ‘Yun lang, bow.”


“Pati si Keanu, idinamay, hmp! Napaka-private n’yan, ni walang social media. Kaya nga ‘di ko ma-Marites ‘yang idol ko since Speed days. Tama ka na, Xian!”


 

NAGSIMULA na ring iere ang It’s Showtime sa ALLTV nitong June 17. Ito ay marka ng pagbabalik ng ABS-CBN Channel 2 dahil mismong frequency na nila ang gamit. 


Nasorpresa nga ang mga viewers dahil sa frequency ng ABS-CBN ito naka-assign, kung saan matatandaang nag-shutdown ito nu’ng May, 2020. Kaya naman ang It’s Showtime ay mapapanood na sa apat na channels in the same hours — sa ALLTV, GMA main channel, A2Z, at GTV.


Hindi kataka-takang lalong lalawak ang audience ng programa nina Vice Ganda. 

Last Monday ay trending topic ang noontime show dahil nga nakabalik na sila sa Channel 2 na napapanood sa ALLTV.


Ang Channel 2 ay nasa ALLTV ng AMBS, ang kumpanyang pag-aari ng bilyonaryong negosyante na si Manny Villar. Kung maaalala, nakuha ni Villar ang frequency na dati nang inookupahan ng ABS-CBN nu’ng 2022.


Nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig hinggil sa collaboration ng ABS-CBN at AMBS. Nagkaayos ang magkabilang grupo kaya sa ALLTV na mapapanood ang ilang


Kapamilya shows kasama ang Jeepney TV na pag-aari rin ng ABS-CBN.


Nagbunyi ang mga Kapamilya fans dahil muling magkakaroon ng bigger platform ang Kapamilya audience. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page