top of page
Search

Ginang, patay sa bangin

BULGAR

@Balitang Probinsiya | January 8, 2021



BENGUET—Isang ginang ang namatay at tatlong katao ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang SUV kamakalawa sa KM 57 Cattubo, Atok.


Ang nasawi ay nakilalang si Jacqueline Mayos, samantalang ang mga sugatan ay sina Joe Mayos, Leticia Avelino at ang driver na si Johnlo Gayudan, pawang residente ng Bgy. Lam-ayam, Baguias sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver g SUV na kinalululanan ng iba pang biktima kaya nahulog ang kanilang sasakyan sa bangin.


Napag-alamang nagtamo ng malulubhang pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.

Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang mga biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Jaqueline.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page