top of page
Search
  • BULGAR

Ginagamit lang daw para sa career… PAULO, ‘DI PA IPINAKILALA SI KIM SA PAMILYA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 25, 2024


Showbiz News
Photo: Kim Chiu / IG

Kahit sweet na sweet ngayon sina Kim Chiu at Paulo Avelino at halos ayaw nang maghiwalay, maraming mga netizens ang hindi pa rin kumbinsido na tunay na in love si Paulo sa Chinita Princess. 


Para raw kasing napakabilis ng kanyang panunuyo kay Kim matapos lamang ang kanilang pagtatambal sa ilang serye ng Kapamilya Network, na nasundan agad ng pelikula. 


Kaya, hindi maiaalis na isipin na parang bahagi lang ng promo ang kanilang relasyon ngayon. 


May mga nagsasabi pa na kung totoong seryoso si Paulo kay Kim, bakit hindi pa nito ipinakikilala si Kim sa kanyang pamilya? 


Nang tanungin nga ni Vice Ganda si Kim Chiu kung naipakilala na ba siya sa pamilya ng kanyang mga ex-BF, dito inamin ni Kim na nakilala na niya ang mga magulang ng kanyang mga naging karelasyon noon.


Pakiusap ng mga fans ni Kim Chiu kay Paulo Avelino, pakasalan na niya si Kim dahil past 30 years old na ito. Para naman magkaroon pa ng pagkakataon na magbuntis at magkaanak, dahil pangarap pa ni Kim na magkaroon ng kambal.


 

Away sa anak, nakabuti pa… PAMILYA NI CARLOS, INULAN NG BIYAYA


Showbiz Photo
Photo: Angelica Poquiz Yulo / FB

Blessing in disguise para sa pamilya Yulo ang nangyaring gap o tampuhan nila sa two-time gold medalist na si Carlos Yulo. 


Dahil dito, nakuha nila ang simpatya mula sa iba’t ibang sektor. Maraming business owners ang nagbigay ng importansiya, tulad ng Mont Albo Massage Hut sa BGC. 


Dumami rin ang buyers ng negosyo niyang garlic longganisa. Pati na ang iba pang miyembro ng pamilya Yulo ay kinukuha at inaalok na maging endorser. 


Samantala, ang sikat na lawyer na si Raymond Fortun at mga kaibigan niyang abogado ay nangakong susuportahan ang training ng magkapatid na Eldrew at Eloiza Yulo. Hindi na raw kailangan pang mamalimos at humingi ng sponsorship sa mga pulitiko kapag kailangan nila ng financial support para sa kanilang training abroad. Naniniwala si Atty. Fortun na malaki ang potential ng magkapatid sa mga susunod na laban. 


Nagpahayag ng pasasalamat si Mark Yulo, tatay ni Carlos Yulo, kay Sen. Robin Padilla dahil sa ibinigay nitong tulong-pinansiyal sa kanilang pamilya.


 

Sa muling pagpirma ni Katrina Halili ng kontrata sa Sparkle Artist Center, wish niyang muling makatrabaho ang Primetime Queen na si Marian Rivera. 


Dalawang proyekto ang kanilang pinagsamahan noon sa GMA-7, ang Marimar at Darna


Dito niya nakita ang tunay na ugali ni Marian na mabait at marunong makisama sa lahat, wala itong ere at hindi feeling big star sa set. 


Kaya naman excited si Katrina sa muli nilang pagsasama sa anumang proyekto sa Kapuso Network. Mahigit 20 taon na siya sa GMA-7, kasama sa mga alumni ng StarStruck 1 na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, atbp.. 


Nakilala siya noon sa mga kontrabida roles, ngunit dahil sa kanyang mahusay na pagganap, hindi siya nawawalan ng mga shows, bagay na kanyang ipinagpapasalamat sa GMA Network.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page