top of page
Search

GINA, BINAWALAN NG MGA ANAK NA MAGKADYOWA NG BATA

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | August 23, 2023



Speaking of Direk Ricky Davao, inamin nito sa amin na masaya ang puso niya, na mayroon siyang non-showbiz girl na idine-date at nagkakasundo sila sa maraming bagay.


Tanggap ng kanyang mga anak ang GF niya at nabanggit din niya ito sa kanyang ex-wife na si Jackie Lou Blanco.


“Life is short. Nagkataon na tumibok pa ang ating puso at kahit mas senior ako sa kanya (GF), totoo ‘yung feeling na bumabata kapag in love. Basta, happy ang lolo mo,” pabiro pa nitong tawag sa sarili.


On the other hand, biniro naman ni Direk Gina ang sarili na dahil matagal na siyang walang ‘dyowa’, hindi na raw niya alam ang kiligin o maka-relate sa kabaliwan sa pag-ibig.


At kahit hindi naman siya pinagbabawalan ng mga anak niya kay Michael De Mesa na sina Ryan, Geoff at AJ na magkaroon ng karelasyon, may importanteng bilin daw ang mga ito na, “Basta, huwag lang daw sa kaedad nila,” sey ni Direk Gina.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page