ni Jenny Albason @Sports | Mar. 22, 2025
Photo: Justin Brownlee sa laban ng Gin Kings at Tropang Giga / PBA PH
Hindi masukat ang dalang inspirasyon ni Justin Brownlee at tinulak niya ang Barangay Ginebra sa 95-78 panalo sa TNT kahapon sa Game Four ng 2024-25 PBA Commissioner's Cup Finals.
Sinagot ni Brownlee ang mga tanong at haka-haka at naglaro na parang hindi balot na balot ang hinlalaki matapos mapilay ito sa Game Three noong Miyerkules.
Ibang klaseng hiyaw ang narinig habang pinapakilala ang mga koponan at magtrabaho agad si Brownlee para makuha ang unang quarter, 31-21. Nag-iwan ang Gin Kings ng lakas para sa huling sipa at biglang iniwan ang TNT sa huling quarter.
Tabla na ang serye sa 2-2. Ang Game Five ay ngayong Linggo sa Araneta Coliseum.
Comments