top of page
Search
BULGAR

Gin Kings itinabla sa 2-2 ang finals vs. Tropang Giga

ni Clyde Mariano @Sports | Nov. 4, 2024



Photo: Justin Brownlee / PBA PH


Makalipas ang dalawang araw matapos ang All Saints Day at All Souls Day, bumalik ang Barangay Ginebra sa Smart Araneta Coliseum at tinalo muli ang defending champion Talk ‘N Text sa Game 4, 106-92, at itabla ang serye sa 2-all.


Limang Ginebra players ang gumawa ng double figures sa pangunguna ni Justin Brownlee nang tumipa ng game high 34 points, nine sa three-point area at dalawang four points, six rebounds at four assists. Nagtala sina Stephen Jeffrey Holt, Maverick Ahanmisi at Japeth Aguilar ng tig 18 points, at Earl Scottie Thompson ng 12 points.


Tinanghal si Holt bilang best player of the Game. Tulad sa Game 3, dinomina ng Kings ang laro at hindi pinagbigyan ang TNT na makalapit at maagaw ang lamang at na-outrebounded ang defending champion 32-27 at gumawa ng 23 assists kumpara sa TNT 17.


Dala nang kanilang hangarin na manalo at mataas ang morale at fighting spirit mula sa Game 3, 85-73, ipinakita ng Kings ang kanilang pamosong “never-say-die” character para itabla ang serye at napunta sa kanila ang momentum na tiyak gagamitin ni coach Tim Cone bilang “jumping board” na kunin ang bentahe.


Sabay-sabay sumisigaw ang mga die-hard Ginebra fans ng “Ginebra, Ginebra!" sa tuwing nakakaiskor ang Kings. Tulad sa Game 3, muling pinagtulungan nina Stephen Jeffrey Holt, Maverick Ahanmisi at Japeth Aguilar na bantayan si Jefferson at nilimita ang points production ng best import of the conference sa 28 points at 4 points sa fourth quarter.


Pinamunuan ni Justin Brownlee mainit na opensiba kasama sina Holt, Ahanmisi, Aguilar at Scottie Thompson. “We played well-balanced game both offensively and defensively. Justin was all over the court connecting from all corners,” sabi ni coach Tim Cone. Sa dalawang sunod na panalo, nasa Barangay Ginebra ang momentum at tiyak sasamantalahin ni Cone na makuha ang 3-2 lead.


Umarangkada agad ang Barangay Ginebra 36-25 on the way to 54-42 halftime lead, tumipa si Brownlee ng 18 points, 15 sa first quarter, at ang tubong Davao del Sur na si Thompson na kumamada ng 12 points.


Lamang ang Barangay Ginebra, 95-85, sa tres ni Ahanmisi 4 na minuto ang natitira sa crucial fourth quarter. Umiskor si Holt ng tres sa pasa ni Aguilar 104-92, 1:04 natitira.


Samantala, itinanghal si June Mar Fajardo ng SMB bilang best player of the conference at sa pangalawang sunod na Governor’s Cup ay tinanghal si Jefferson bilang best import.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page