top of page
Search
BULGAR

Gilas, pinaghahandaan na ang mga katunggali sa SEAG

ni MC - @Sports | April 26, 2022


Dumaraan na sa matinding training ang Gilas Pilipinas Women dahil target nilang depensahan ang korona sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12 -23 sa Hanoi, Vietnam.


Ang kanilang paghahanda sa torneo ay nagsimula pa noong Pebrero na pinangungunahan nina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Clare Castro, Khate Castillo, Chack Cabinbin, Andrea Tongco, Camille Clarin, Ella Fajardo, Kristine Cayabyab, at Karl Ann Pingol.


Nagbalik sa lineup si Angel Surada, parehong sa 3×3 at 5×5 tournaments. Sumabak din sa lineup ang bagong recruits na sina Stefanie Berberabe, Gabi Bade, at Katrina Guytingco.


Dalawa sa players ang hindi makalalahok, sina Mai-Loni Henson ay may torneo pa sa France, habang si Jack Animam ay nagpapagaling pa sa ACL injury.


"They would know how to play together and the chemistry and everything just being together for a longer time," ayon kay Gilas Women head coach Patrick Aquino, mula sa official SBP website. "Hopefully, all those time na magkakasama kami, magawa namin lahat ng kailangan naming gawin."


Sinabi ni Aquino na pinaghahandaan na nila nang husto ang mabibigat na katunggali upang maipagtanggol ang unang gold na nasungkit noong 2019, parehong pinagharian ng Philippine men's at women's teams ang SEA Games podium.


Kinokonsiderang underdogs ang Gilas Women laban sa Thailand sa finals, pero kumapit sila sa kumpiyansa at tiwala sa sarili sa kompetisyon para masungkit ang 91-71 na tagumpay.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page