ni VA @Sports | February 28, 2024
Ibinalita ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na may mga natanggap silang imbitasyon kaugnay ng kanilang ginagawang paghahanda sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament 2024 sa Hulyo.Ayon kay Cone, inimbita ang national men's basketball team ng mga European teams na Lithuania at Slovenia na naghahanda rin para makakuha ng slot sa Paris Games.
“We’ve got some invitations from Lithuania, Slovenia, and the Czech Republic, we’re gonna work our way through those and see what we can do,” wika ni Cone.
Gayunman, wala pa silang pinagpapaunlakan dahil sampung araw lamang ang ibinigay sa Gilas upang makapaghanda para sa FIBA windows base sa napagkasunduan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at mga basketball stakeholders gaya ng PBA at UAAP.“The window for us to do it is only 10 days,” ayon pa kay Cone.
“That’s our agreement with the PBA, that’s our agreement with the NCAA and UAAP, and also the agreement with the Japan league – they can only release them for so long for a FIBA window. Ten days it is for us,”dagdag nito.
Ginawa ni Cone ang pagsisiwalat ng mga kaukulang development moments pagkatapos ng kanilang Window 1 campaign sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa pamamagitan ng 106-53 pagdurog sa Chinese Taipei sa Philsports Arena.Tinapos ng Gilas ang unang window na may malinis na kartadang 2-0, panalo-talo kabilang dito ANG 94-64 na paggapi nila sa Hong Kong sa Tsuen Wan Stadium.
Kung sila ang tatanungin, nais sana ni Cone at ng GIlas na mayroon pa sanang isang laro sa unang window.
“We were like, we wish we had one more game, or another game to play like next week or in a couple of days, so we could keep this group together. But it’s not something we control," dagdag nito.
Comments