ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 23, 2023
Ang former beauty queen na si Priscilla Meirelles na misis ng aktor na si John Estrada ang latest victim ng Banco de Oro (BDO) online scam pagkatapos ng mang-aawit na si Gigi de Lana.
Matatandaang nitong Martes (Hunyo 20) nang gabi lang ay nag-post si Gigi sa kanyang Facebook account na ninakawan ang kanyang BDO account.
Aniya, “Ninakawan ako sa BDO, kinuha ang lahat ng laman. Pang-medical bills sana ‘yun ni Mama, kaso wala kayong awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng, ‘Get well soon po kay Ma’am Gigi.’
“Tapos after nu’n, tuluy-tuloy na akong ninakawan hanggang sa maubos ang laman. Grabe kayo! ‘Di na kayo naawa. Please, ‘wag kayong mang-scam or magnakaw.”
Hanggang ngayon, wala pang balita kung naayos na ng Banco de Oro (BDO) ang problema ni Gigi, pero heto at may bagong personalidad na namang nagrereklamo sa kanila.
Ipinost ni Priscilla ang art card ng BDO with warning alert sa kanyang mga IG Stories kagabi, “Oh my gosh!!! I’m so stressed. BDO online remitted a payment I did ONCE — 3 times to the same merchant and told me after waiting for 30 minutes or so on the line that I need to call the merchant to ask for my money back because most likely there was an error in their application. That’s so irresponsible and I am so shocked! What kind of bank does that?!”
Sa matagal na panahong kliyente si Priscilla ng nasabing bangko ay hindi niya naisip na mangyayari ito sa kanya.
“I have been a client of BDO since 2010. I have been a client of other banks here and abroad and I never in my wildest dreams thought this could happen and the bank would tell me, ‘SORRY our bad but you need to find your ways because we won’t.’
“I am astonished! That’s so bad and so irresponsible. Please be aware, because I am sure I am not the only one that encountered this problem.
“They will let me know in 3-5 bank business days what they can do for me, and in the meantime, my money is GONE.
“I just reported the incident that happened to me to BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas).”
May payo rin si Priscilla sa lahat ng naging biktima ng ganitong klase ng online scam, ‘di lang sa BDO, pati na rin sa iba pang bangko.
“If you are also a victim of irresponsible BANKS like BDO in the Philippines, you may report it to the website below (BSP.GOV.PH). Let’s not be quiet about it. Victim mentally no more, take action!”
Kung nangyayari ang mga ganitong insidente sa mga kilalang personalidad, paano pa kaya sa mga ordinaryong netizens na nabibiktima rin umano ng online scam sa Banco de Oro?!
Anyway, bukas naman ang BULGAR para pakinggan ang panig ng BDO.
Comments