ni Lolet Abania | August 22, 2020
Nanganak na ang giant panda na si Mei Xiang ng malusog na cub o baby panda sa National Zoo sa Washington na agad din nitong inalagaan, ayon sa animal care staff.
Gayunman, hindi pa tiyak ang kasarian ng cutie cub, kung saan ito ang ikaapat na matiwasay na pagbubuntis ni Mei Xiang, 22-gulang na panda, dahil sa edad nito na maaaring hindi makapagsilang ng malusog na baby panda, sabi ng zoo officials.
“We are thrilled to offer the world a much-needed moment of pure joy,” ayon sa zoo director na si Steve Monfort.
Samantala, unang na-detect ang fetal tissue noong nakaraang linggo ng mga scientists sa naturang zoo, matapos na sumailalim si Mei Xiang sa artificial insemination noong March dahil sa mayroon itong natirang frozen sperm, kahit pa may bigong pagbubuntis at malapit nang magtapos ang reproductive lifecycle ng panda.
"We knew the chances of her having a cub were slim," pahayag ni Monfort. "However, we wanted to give her one more opportunity to contribute to her species' survival."
Dahil na rin sa covid-19 pandemic, nagpatupad ang mga zoo experts ng special precautions upang mabawasan ang person-to-person contact habang isinasagawa ang proseso para sa mommy panda.
Comments