ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 21, 2022
Kahit Minsan Lang ang title ng iniwanang project ni Bea Alonzo sa ABS-CBN noong siya'y lumipat sa GMA-7 last year.
Dahil sayang nga naman ang magandang project na nilayasan ng aktres, minabuti ng creative manager ng Star Creatives na si Jay Fernando na palitan na lang ito ng titulo at ginawang A Family Affair na ngayo'y pinagbibidahan na ni Ivana Alawi.
Kinakailangan din daw nilang ibahin ang iskrip o kuwento mula sa dating iskrip na inilaan kay Bea.
Pahayag ni Jay, "When Bea (Alonzo) left the show, the management and all of us felt that the show is too good to shelve. So we cracked our brains, we revamped, we edited, we changed the core of the concept and to make it ten times, twenty times better than the one was left behind."
Ayon pa sa Star Creatives, sa bagong seryeng A Family Affair, si Ivana ang una nilang naisip na substitute for Bea para maging bida sa serye bilang si Cherry Red.
Paniwala rin ang mga direktor ng serye na sina Raymund Ocampo at Jerome Pobocan na ito ay itinakda para kay Ivana at hindi kay Bea o kung kanino pa man.
Positibo ang production na kayang-kayang gawin ni Ivana ang kayang gawin ni Bea.
Matatandaang pumasok din sa production staff ang pangalan ni Maja Salvador bilang pamalit kay Bea subali't nasa ibang channel na ito kasama ang mentor na si Mr. Johnny Manahan a.k.a. Mr. M.
Mapapanood ang A Family Affair simula ngayong Hunyo 27, 9:20 PM sa Kapamilya Online Live, TV5, A2Z channel at sa iWantTFC.
Ang serye ay siyang papalit sa magwawakas nang The Broken Marriage Vow ngayong Hunyo 24.
Comments