top of page
Search
BULGAR

GF ni Carlos, panay ang tuwad at pa-sexy… CHLOE, KINUKUHA NA RAW SA VIVAMAX MOVIE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 21, 2024



Showbiz News
Photo: Chloe Anjeleigh San Jose

Nagbunga rin ang pagiging kontrobersiyal ng nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose dahil bumalandra sa social media ang kanyang mga sexy pictorials. 


Napansin daw ng direktor ng Vivamax movies ang kanyang pagtuwad-tuwad at pagdidispley ng seksing katawan, ngunit wala pang pahayag ang Vivamax tungkol dito na gusto nilang alukin si Chloe na mag-guest sa isang movie nila. 


Kung papayag siya, maaaring maging bida rin siya sa isang proyekto. Kahit wala pang experience sa pag-arte ang nobya ng two-time gold medalist ng Paris Olympics 2024 na si Carlos Yulo, bibigyan daw siya ng libreng acting workshop. 


May potential daw si Chloe San Jose na maging Vivamax Queen dahil malakas ang appeal niya sa kalalakihan at posible itong kumita dahil sikat siya at pinag-uusapan sa buong showbiz. 


Tingnan natin kung tatanggapin ni Chloe ang offer na gawin ang Vivamax movie, kung totoo man ito.


Payagan kaya siya ng nobyo niyang si Carlos? 


Samantala, may balitang nagpaplano raw si Chloe ng isang get-together dinner para sa pamilya ni Carlos Yulo. Kung saka-sakali, ito na ang pagkakataon upang makapag-usap at makapag-bonding ang pamilya Yulo kasama si Caloy. 


Tanong tuloy ng mga netizens, sariling kusa ba ni Chloe ang pagbibigay ng dinner sa pamilya ng kanyang nobyo, o baka siya lang ang inutusan ni Caloy upang mag-asikaso nito?


Sana nga, matuloy na ang pagkikita ng pamilya Yulo upang matuldukan na kung anuman ang naging problema nila.


 

‘Di lang pinagsuot ng Bvlgari necklace, Pia… 

ASO, PINAHIHIGA NI HEART SA KAMA NIYA


Heart Evangelista / IG

NAGRE-REACT ang mga fans ni Pia Wurtzbach sa ginawa ni Heart Evangelista na pinagsuot ng Bvlgari necklace ang kanyang favorite dog na si Panda. 


Ang Bvlgari necklace kasi ay isinuot din ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang pictorial niya nang kunin siyang ambassadress/endorser ng Bvlgari. 


Well, wala naman sigurong intensiyon si Heart na insultuhin si Pia kaya ipinasusuot niya sa kanyang asong si Panda ang Bvlgari necklace na milyun-milyon ang halaga.

Gayunpaman, sa opinyon ng ilang netizens, medyo may pagka-sutil din minsan si Heart, kahit na suwabe ang kanyang atake at hindi direktang patama. 


Anyway, mahal na mahal ni Heart ang kanyang fur babies, lalo na si Panda, na nakasama niya sa isang endorsement at pinapayagan pang mahiga sa kanyang sariling kama. 


Inaabangan naman ng mga Marites ang susunod na kaganapan kina Heart at Pia. Hanggang saan ang kanilang kompetisyon? 


Ang sabi, lamang daw ang wife ni Sen. Chiz sa dating Ms. Universe dahil mas mayaman siya kay Pia at galing siya sa isang ‘buena familia’.


 

Kahit mas matanda ang aktor, ‘di tinatawag na kuya…  JILLIAN, NAMI-MISS SI KEN 


Photo: KenJil / Jillian Wards at Ken Chan

Marami ang nagtataka kung bakit sa dami ng mga Sparkle young actors na umaaligid sa afternoon primetime princess na si Jillian Ward, wala man lang siyang natipuhan na maging ka-love team. 


Sadya bang umiiwas siya na ma-in love dahil naka-focus siya sa kanyang career? 

Una na niyang nasabi sa isang interbyu na hindi niya priority ang love life dahil marami pa siyang gustong makamit bilang artist. May goal pa siyang gustong abutin at pangako niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. 


Pero, mukhang hindi basta umaatras ang Kapuso actor na si Ken Chan. Simula nang magkasama at magtrabaho sila ni Jillian sa afternoon soap na Abot Kamay na Pangarap (AKNP), naging malapit na sila sa isa’t isa. Maraming fans ang kinikilig sa KENJIL (Ken at Jillian) love team. 


Kahit may ilang taon ang agwat nila, hindi naman tinatawag na “Kuya” ng Kapuso young actress si Ken. Walang label ang kanilang special friendship at hindi minamadali ni Ken si Jillian. 


Pero, pag-amin ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), nami-miss niya si Doc Lyndon (Ken Chan) kapag hindi niya ito nakikita. 

‘Yun na!

0 comments

Commentaires

Les commentaires n'ont pas pu être chargés.
Il semble qu'un problème technique est survenu. Veuillez essayer de vous reconnecter ou d'actualiser la page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page