ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 22, 2025
Ang mapabilang sa mga hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) pala ang post ni Mavy Legaspi na good news na dumating sa kanya at kanyang ipinagpapasalamat.
Kahapon sa It’s Showtime (IS), it was announced na kasama na siya sa mga hosts ng PBBCCE.
Si Mavy pala ang pinahulaan na ‘Kapuso Royal Tropa ni Kuya’. In fairness, walang nakahula na siya ‘yun at may nag-akala pa ngang si Alden Richards ang makakasamang host. May humula pang si Drew Arellano, na parehong mali.
Kasama sa mga unang nag-congratulate kay Mavy ang twin niyang si Cassy Legaspi na ang sabi, “GOOSEBUMPS. Congratulations Mav!!! @mavylegaspi super super proud sister here!!! @pbbabsxbntv.”
Mukhang hindi pa nakarating sa GF ni Mavy na si Ashley Ortega ang balitang ito dahil wala pa siyang comment, o baka naman in private siya nag-congratulate sa BF.
Wala pa ring comment ang parents ni Mavy na sina Zoren Legaspi at Mina Villarroel.
Sa mga nagdududa sa kakayahan ni Mavy na mag-host, may experience ito dahil sa Sarap ‘Di Ba? (SDB) show nila ng mom niya at ni Cassy. Sigurado namang paghahandaan nito ang tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA at PBBCCE.
Sa March 9 na ang PBBCCE at kabilang ang mga hosts na ipakikilala. Hintayin natin si Mavy at saka na mag-react kapag airing na ang show at may ginagawa na siya.
ISA sa mga rarampa sa Bench Body of Work Fashion Show ay si Janine Gutierrez at dahil sa mga photos na ginamit ng Bench kay Janine to promote the fashion show, dumami ang mga fans ng aktres na gustong makapanood sa fashion show.
Ang gaganda ng comments sa photos ni Janine, sobrang sexy daw siya, hot, one of the best Bench models, stunning, gorgeous at may nag-comment pa ng “Lakas maka-Victoria’s Secret Angel ni Nini (Janine).”
May tumawag din kay Janine ng “Kaia Jordan Gerber of the Philippines.”
May pinasalamatan na comment si Janine. Sabi ng netizen, “She is prob the sexiest right now sa industry.”
Sagot ni Janine, “OMG! You’re so sweet, thank you.”
May fans naman na nagtanong kung manonood ba si Jericho Rosales sa Bench Fashion Show happening on March 21 sa SM Mall of Asia Arena (MOA). Mas matutuwa at mas mai-inspire raw si Janine Gutierrez kung nandoon si Jericho Rosales na nali-link sa kanya ngayon o baka boyfriend na niya.
Comments