ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 26, 2024
Photo: Sam Verzosa at Rhian Ramos - IG @whianwamos
Nagdemanda umano ang boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa dahil sa alegasyong nandaya umano sila sa NYC (New York City) Marathon kamakailan.
Sa column ni Atty. Estrella “Star” Elamparo sa isang broadsheet nu'ng November 11, naisulat nito na: “Ramos and Verzosa showed no entries for the 18.6, 20, and 21.7 miles of the race,” na ang ibig sabihin ay they did not pass through the mile markers.
Sinagot naman ni Rhian sa isang interbyu ang paratang sa kanila.
Ani Rhian, “I was insulted, na parang how can you jump to such a conclusion. But some people, gawain ‘yun.”
Samantala, sa kanyang follow-up column, nilinaw ni Atty. Elamparo na hindi niya inakusahan sina Ramos at Verzosa ng cheating.
Pahayag niya, “Finally, in my last sentence I said: This column will be open to any response from Mr. Verzosa and Ms. Ramos. Verily, I did not state as a matter of fact that the couple had cheated but only raised the possibility based on publicly available information.”
Hindi na nag-decide ang aktres na gumawa ng legal action, pero ang boyfriend na si Sam, thought otherwise.
“Maraming nasaktan. Kung ako lang, okey lang. Pero ang mahal ko sa buhay— idinamay n’ya si Rhian. Kailangan kong ipagtanggol. Ayaw n’ya na lang pansinin, pero nasaktan si Rhian,” ani Verzosa sa interview after filing a cyber libel case.
Lahat daw ng pinagpaguran niya…
BARON, UMAMING WINALDAS ANG PERA SA SUGAL, ALAK AT DROGA
Matagumpay na nairaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang 39th Star Awards for Movies.
Dumating ang mga major winners na sina Baron Geisler (Best Actor), Nadine Lustre (Best Actress), Mon Confiado (Best Supporting Actor) at Dimples Romana (Best Supporting Actress).
Late nang nakarating si Dimples, but at least, nakahabol pa rin. Valid naman ang rason ng aktres. Kaya naman nang tinawag ang kanyang name ay si Mon muna ang tumanggap ng kanyang trophy.
Samantala, si Nadine na sa pag-aakala ng audience na hindi makakarating dahil busy sa filmfest entry nila nina Vilma Santos at Aga Muhlach ay naroroon din at tuwang-tuwa na tinanggap ang tropeo niya para sa pelikulang Deleter.
Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan niya ang kanyang mga co-nominees, higit sa lahat ang boyfriend niyang si Christophe Bariou na kasama niya that night. Buong-ningning at very proud na ipinakilala ng award-winning actress si Bariou na nasa audience.
First time yata itong ginawa ng aktres, ang i-introduce ang boyfriend sa entertainment industry. And we are very lucky na sa PMPC niya ito ginawa.
Very touching naman ang mensaheng ibinigay ni Baron. Marami siyang sinabi hinggil sa pinagdaanan niyang mga pagsubok sa buhay, tulad ng pagwawaldas ng perang kanyang pinagpaguran noon na napunta lang sa sugal, alak at sa bisyo niyang droga.
Pero, very grateful daw siya dahil marami pa ring mga taong tumutulong sa kanya despite his attitude noon. Very thankful siya dahil mahal daw siya ng nasa Itaas at isinalba pa rin ang kanyang career.
Pinasalamatan niya rin ang misis na si Jamie na walang sawang nakasuporta sa kanya.
“Ngayon po, napag-aaral ko na ang aking anak, nakapagtayo na rin ako ng sariling bahay. At lahat po ng blessings na dumarating sa ‘kin ay tine-treasure ko na pong lahat. Salamat po sa lahat ng mga taong tumulong sa ‘kin,” sabi ng Best Actor mula sa Doll House movie.
Binigyan ng masigabong palakpakan si Baron sa kanyang acceptance speech.
Well, ilang beses namang nag-tie ang Family Matters (FM) at Mamasapano sa mga technical award categories.
Kudos sa mga hosts ng 39th PMPC Star Awards for Movies dahil mahuhusay ang tatlo na sina Ara Mina, Gladys Reyes at Joee Guilas.
Comentários