top of page
Search
BULGAR

GF mo, Khalil, umamin… GABBI, NAHIRAPANG MAG-MOVE ON KAY RURU

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 23, 2024



Photo: Gabbi Garcia at Ruru Madrid - Instagram


Ayon kay Gabbi Garcia, nahirapan umano siyang mag-move-on noon kay Ruru Madrid. Inamin niyang si Ruru ang kanyang first love at first boyfriend niya.


Ang pag-amin ng Kapuso actress ay sa programa ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung saan guest ang girlfriend ni Khalil Ramos. 


May tanong si Kuya Boy na ang isasagot lang ay guilty or not guilty.


Ang tanong, “Guilty or not guilty, nahirapan mag-move on?”


Ang sagot agad ng aktres, “Guilty.”


Pagkaklaro ni Gabbi, si Ruru raw kasi ang kanyang first love kaya nahirapan daw talaga siyang mag-move on.


Tanong pa ni Kuya Boy, kung okey lang daw ba kay Khalil na ma-mention ang name ni Ruru?


Sagot ni Gabbi, okay lang. 


Aside from the question about moving on, Gabbi also answered questions on what she likes Khalil doing for her and vice-versa. 


 

Guest ng Team Vice Ganda ang SB19 sa kanilang Monday Magpasikat Ka 2024.

Ayon kay Meme Vice, “Hindi sila nagpabayad.” 


Ang team nina Vice, Karylle at Ryan Bang ang unang nag-perform for the 15th anniversary celebration ng Kapamilya noontime show. Ang kanilang theme ay tungkol sa “hope”. Ibinahagi nila ang hope na gusto nila.


Aside sa SB19 na kinanta ang Liham ay guest din ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at si Awra Briguela.


May kinuha rin silang ordinary people na may mga ‘sana’ na gustong mangyari sa buhay. Napaka-emotional ng kanilang performance. 

Ani Meme Vice sa P-Pop SB19, “Ang dami n’yo nang na-achieve at sa sobrang husay ninyo, sa edad ninyo, ang dami n’yo pang puwedeng i-look forward because you guys are limitless, sobrang galing ninyo, kaya congratulations!”

Sey din ni Vice Ganda, “Hindi po sila nagpabayad, ayaw nilang tumanggap ng bayad.”


 

NAG-REACT si Marian Rivera sa ipinost ni Jennica Garcia ukol sa kanyang pelikula, ang Balota. Agad nagkomento ang Kapuso actress sa comments section ng socmed (social media) page ni Jennica. 


Aniya sa IG post, “Nanood ng last full show kagabi, 10:30 PM sa SM Mega Mall kahit 6 AM gigising the next day dahil kay @marianrivera.”


“Ay sus, salamat sa suporta!” saad naman ni Marian.  


Komento pa ni Jennica, “Gulat ako! Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng #Balota, napakatapang na pelikula. Sobrang husay mo Ate Yan!!! ‘Pag fear, FEAR. ‘Pag pain, PAIN. ‘Pag rage, rage. ‘Yung switching ng emotions, ang lala. Marian Rivera nga kasiiii… Not GMA’s Queen for nothing. Congratulations po ulit.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page