top of page
Search
BULGAR

GF, ine-enjoy lang, puro negosyo… CHRISTOPHE, TODO-DENY NA ENGAGED NA SILA NI NADINE

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 16, 2024



Photo: IG - Nadine Lustre


Nilinaw ng couple na sina Christophe Bariou at Nadine Lustre ang tungkol sa engagement rumors sa kanila.


Ayon kay Christophe sa isang video clip, hindi sila engaged at hindi totoo ang mga rumors tungkol dito. 


Ibinahagi ni Nadine ang mensahe ni Christophe sa social media na nagdulot ng espekulasyon na hindi lang engaged, kundi sila ay kasal na.


Ilang taon na ring magkasintahan ang dalawa, kaya’t ang balita ng kanilang pagpapakasal ay ikinagalak ng marami. 


Kamakailan kasi ay may naging mensahe si Christophe para kay Nadine na “Can’t wait to discover and conquer the world with you,” na ni-reply-an naman ng aktres ng, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness.”


Sa ngayon ay ine-enjoy nila ang kanilang relasyon lalo na ang itinatag nilang wine business. Nagbukas din sila ng vegan restaurant. At kamakailan lang ay ipinakilala rin nila ang kanilang plant-based milk brand. 


Ayon kay Christophe, ang pinakamahalaga sa kanilang relasyon ay ang kanilang malalim na pag-aalala sa mga isyung panlipunan, tulad ng katiwalian at ang mga hadlang sa progreso ng bansa. 


Ibinahagi naman ni Nadine ang excitement nila ni Christophe tungkol sa isang proyekto na tatlong taon nilang pinaghandaan.


 

May ibinahaging empowering messages si Jessy Mendiola sa kanyang social media account.


Una ay, “I deserve to be happy, healthy, and fulfilled.”

Second, “I am worthy of love, success, and prosperity.”


At ang pangatlo, “I am deserving of a life filled with joy and passion.”


Aniya, ang mga ibinigay niyang empowering messages ay hindi lang daw para sa kanyang sarili, kundi sa lahat ng mga kababaihan. Puwedeng-puwede raw itong i-apply sa sarili lalo na sa mga babaeng may asawa na. Dapat lang daw ay maging positive thinker nang sa ganu'n ay walang stress sa buhay at makuntento sa kung ano ang meron ka.


Ibang-iba na talaga ang pananaw ni Jessy Mendiola sa buhay magmula nu’ng magpakasal siya kay Luis Manzano at magkaroon sila ng anak na si Peanut.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page