ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 13, 2024
Ilang celebrities na rin ang pumapalaot sa kasalan, kaya’t naitanong sa showbiz couples na sina Ruru Madrid at Bianca Umali kung kailan sila magpapakasal.
Halos six years na ring mag-on ang dalawa kaya’t naiisip ng ilang mga netizens kung sa kasalan din ba mapupunta ang kanilang pagmamahalan?
May pressure ba sa dalawa kung balak nilang sundan sina Carlo Aquino at Charlie Dizon, na lumagay na rin sa tahimik bilang married couple?
Sagot ni Bianca, “Siguro napag-uusapan at napaghahandaan. ‘Yun na lang.”
Sabi naman ni Ruru, matagal na rin nilang pinag-iisipan ni Bianca ang kasal,
“Siyempre, dapat by now, nandu’n na ‘yung pag-iisip namin. Kasi, six years na rin kami, eh.
“Parang ‘yung mga plano na rin namin, siyempre about sa future namin. Kaya rin namin ito ginagawa at pinagbubutihan.”
Simpleng kasal naman ang pinaplano ni Bianca.
Aniya, “Ang dream wedding ko, simple lang actually.
“Noon, may dream setup pa ako. Pero ngayon, gusto ko lang maabutan ng lola ko. S’ya ang maghahatid sa ‘kin, dahil siya ang bumuhay sa ‘kin.”
Sagot naman ni Ruru, “Noted ako d’yan.
“Kailangan na pong ikasal. Actually, noon pa man, nakakasa na,” napapangiting pahayag ni Ruru.
Wala pang takdang date ang nakaplanong kasalan, ayon sa dalawa.
LUMIPAD papuntang Amerika nitong June 8 (Sabado) ang aktor na si Albie Casiño para i-meet ang non-showbiz girlfriend niya na si Michellina Marie Dunton o Mickey and of course, para masilayan ang kanyang first baby na si Roman Andrew na ipinanganak nitong April 28 sa Maine, California sa USA.
Sa kanyang Instagram (IG), masayang ibinalita ni Albie na isa na siyang ama sa kanyang ibinahaging video nitong June 11 (Martes) sa San Francisco International Airport kung saa’y sinalubong siya ng kanyang mag-ina.
Agad na kinarga ng actor ang kanyang anak at makikitang excited si Albie habang panay ang halik kay Maine habang karga-karga ang kanilang baby boy. Ito rin ang unang pagkakataon na masilayan ni Albie nang personal ang anak na isinilang nitong Abril.
“A great man told me ‘Being a dad has no days off and retirement.’ I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man,” sey ni Albie sa kanyang caption.
For personal reasons, nailihim ni Albie sa kanyang mga fans at publiko ang panibagong milestone sa kanyang buhay, pero ‘di lingid sa kanyang mga showbiz friends lalo na sa cast ng seryeng Can't Buy Me Love, ang kanyang pagiging daddy-to-be.
Gaya ng nakasama nito sa serye na singer/actor/TV host na si Darren Espanto na nagpaabot ng kanyang mensahe, “We can finally talk about it publicly, hahaha!”
Sey naman ni Ruffa Gutierrez, “Congratulations!! Not a secret anymore, Ahia!!”
Ayon naman kay Alexa Ilacad, “Congrats, Albie!!! So happy for you, guys!”
Ilan din sa kanyang mga showbiz friends ay nagpaabot ng pagbati gaya ni Alex Castro, “Congratulations, brother. Sarap ng pakiramdam.”
Commentaires