top of page
Search
BULGAR

GF, 'di pa niyayaya ng kasal… SAM, SHOCKED NA MAY ENGAGEMENT RING NA RAW SI RHIAN

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 12, 2024



Photo: Rhian Ramos at Sam Verzosa - Instagram


Inakalang si Rhian Ramos ang engaged na kay Sam Verzosa dahil sa reels post nito na tila may suot na engagement ring. 


Pero, pinahulaan lang kung sino ang engaged at hindi raw siya. Ang kaibigan ni Rhian na si Janina Manipol ang engaged.


May nag-tag kay Sam ng post ni Rhian at nag-react ito ng “Grabe!! Boo, pati ako nagulat, Hehehe!” 


May mga na-fake news din at nag-react agad, hindi tinapos panoorin ang reels.


Nakakaloka pa dahil marami ang nagpakalat ng fake news na break na sina Rhian at Sam at walang kasalan na magaganap sa kanila. 


Paano ka naman maniniwala, eh, two weeks ago lang, nakita sila ng press na magkasama? Saka, sa last birthday ni Rhian, magkasama pa rin sila ng kanyang “Boo.”

Anyway, sinagot ni Rhian ang comment na sana, namigay siya ng food cart na hindi panahon ng eleksiyon para hindi masabing para sa kampanya ni Sam ang kanilang ginawa.


Sey ni Rhian, “Actually, matagal na po kaming gumagawa ng mga projects to improve other people’s quality of life. Baka ngayon mo lang pinansin dahil elections nga. Alangan namang itigil namin ang mga charity projects namin just cause elections next year. Mas okay ba kung bag na lang hiningi ko for my birthday?”


Sumagot ang netizen na now lang niya nakita ang post ni Rhian na may mga tinulungan. 


Sagot ng aktres, “There’s always a post, story, vlog or coverage po. That’s how the sponsors know that their help went to the right place.”


Kasunod nito, inilatag ni Rhian ang coverage ng mga ginawa niyang pagtulong before, pati ang pag-extend niya ng tulong sa mga taga-Quezon City at hindi lang sa mga taga-Manila siya tumutulong.


“Hindi naman po, nakiki-argue lang po ako. Sinagot ko lang po kasi nakakasakit ‘yung maisipan ka pa ng masamang motibo. Hindi ko naman mapapalitan araw ng birthday ko.”


 

'Di kinaya ang pamba-bash sa performance niya sa simbahan… JULIE ANNE, NAGPAHINGA SA SOCMED 




PATI si Rayver Cruz, kapatid na si Rodjun Cruz at misis nitong si Dianne Medina ay na-bash dahil lang nagpahayag ng suporta kay Julie Anne San Jose. 


Si Rayver nga, walang sinabi at nai-share lang ang screenshot ng statement ni Nuestra Señora del Pilar Shrine Parish Priest Fr. Carlito Meim Dimaano, sinugod na sa Instagram (IG).


Bakit daw hindi nito pinayuhan si Julie nang dapat niyang kantahin at isuot sa benefit concert sa loob ng simbahan? 


May nagsabi naman na pagsabihan niya ang GF na magbakasyon muna sa socmed (social media) para hindi ma-stress sa mga hate comments at pamba-bash sa kanya, bagay na ginawa nito dahil ilang araw na siyang hindi nagpo-post.


Si Rodjun na nag-comment ng “Love you, Julie @myjaps! Wala kang kasalanan du'n. Professional ka lang talaga at iniisip mo lang palagi na mapasaya at ma-inspire ang mga audience mo. Mahal ka ni Lord, Akap!” ay inabot din ng bashing.


Tanong nga ng mga fans ni Julie, bakit nagalit ang mga netizens sa mga sumuporta sa singer-actress? Sila nga, libreng nagpahayag ng galit, disappointment at panlalait sa singer-actress, bakit bawal ang magpahayag ng suporta?

                                                                          

 

DATI, blind item lang at pinahuhulaan, pero kahapon, kinumpirma na si Ogie Diaz ang napiling maging host ng newest entertainment game show ng TV5 na Quizmosa


Airing ito sa October 21, 2:30 PM, Monday to Friday pagkatapos ng Eat… Bulaga! (EB!).

Intriguing ang concept ng show ng TV5 na pinaghalo ang entertainment at game show at may konting tsismis ito dahil sa title. Dahil si Ogie ang host, kering-keri niya ito at magiging masaya ang show dahil hahaluan niya ng comedy.


Ang Quizmosa ang magpapabalik kay Ogie sa free TV at hopefully, magpabalik sa mga quiz shows sa telebisyon at may tweak ang TV5, hahaluan nila ng entertainment. 

Wala pang masyadong detalye sa show, gaya ng kung may co-host ba si Ogie Diaz at kung live ba ito at sino ang director.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page