ni Julie Bonifacio - @Winner | October 13, 2021
Nagsalita na si Megastar Sharon Cuneta sa ibinabatong isyu sa kanya at sa mister niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na makakalaban ni Sen. Tito Sotto sa pagka-bise-presidente sa 2022 elections.
Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Mega sa kanyang Instagram kalakip ang piktyur ng aerial view ng mga lugar na malapit sa paliparan ng Pilipinas.
Malamang ay nakarating na sa kaalaman ni Mega ang naging reaksiyon ng isa sa mga itinuturing niyang “sisters” na si Ciara Sotto, bunsong anak ni Sen. Tito at maybahay na si Helen Gamboa.
Si Helen ay kapatid ng yumaong ina ni Sharon na si Mommy Elaine. Madalas ikuwento ni Mega na itinuturing niyang “second mom” ang kanyang Tita Helen.
Sabi ni Sharon sa kanyang IG post, mabigat ang loob niya sa pagtatapatan ngayon sa pagka-VP nina Sen. Kiko at Sen. Tito, pero umaasa siyang pagkatapos ng eleksiyon ay maghihilom din ang mga sugat at babalik din sila sa dati nilang relasyon bilang magkakapamilya.
Mabilis namang dinagsa ng comment ng mga netizens ang latest IG post ni Mega. May nakaka-relate sa nararamdaman niya, may nagpapayo na suportahan ang kanyang asawa at ang iba ay naniniwala na time can heal all the wounds sa sigalot ng pamilya.
“It’s a call for Sen. Kiko. I’m sure your Sotto family will understand love rules! (two red heart emojis) You did not choose to be in that situation but your husband needs you more than anybody in this battle. We will vote for him 'coz we love our nation (two praying hand emojis).”
“Very well said, Mega, just hope and pray that everything ends well. This too shall pass.”
“Hugs ate. Everything happens for a reason. In the end, everything will be fine. 'Andito kami for you and Sen. Kiko (one red heart emoji).’
“Political aspirations can indeed divide a family. It’s hard and it’s going to be tough. (crying emoji) Time can heal all the wounds indeed. Forgiving heart (red heart emoji) is the key.”
“Not so long ago, Sen. Sotto blocked the Senate presidency of Kiko Pangilinan - but it’s been in the past! Your behalf compliments VP Leni’s and they are both with integrity, credible and fits for the positions.”
Say naman ng iba, sana raw, may nagpaubaya na lang.
“Nagpaubaya na lang sana…kasi nauna na si Sen. Tito, same lang naman ng hangarin mapabuti ang bansa (one peace sign emoji).”
“'Yan din isip ko, pero walang paki 'yung isa, sino pa masagasaan niya. But I will not vote anyone of them…”
On her latest IG post too, pagkatapos maglabas ng kanyang saloobin si Sharon, may cryptic message din siya sa kanyang IG story.
“The sad thing is, nobody ever really knows how much anyone else is hurting. We could be standing next to somebody who is completely broken and we wouldn’t even know it,” post ni Sharon.
May netizens din ang nagsabi na hindi dapat magdusa si Sharon sa tapatan nina Sen. Kiko at Sen. Tito for VP. At dito nabanggit ang pangalan ng anak ni Vic Sotto kay Angela Luz na si Paulina Sotto na very open sa paghayag kung sino ang kandidatong susuportahan sa darating na halalan.
“Well, anak nga ni Vic Sotto na si Paulina Sotto, ang ikinampanya ay si Leni Robredo. At sabi din niya, hindi raw porke kadugo, du'n ka na. Isipin daw ang bayan.”
Comentários