top of page
Search
  • BULGAR

GERALD, UMAMING SOLID ANG RELASYON NILA NI JULIA PERO KASAL MALABO PA

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 3, 2023




Matagal ding hindi nagkita ang mag-BFF na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz at maging ang kapatid ni Rayver na si Rodjun.


Si Rodjun ang nag-post ng mga kuha nilang larawan nang mag-reunion ang tatlong aktor. Magmula kasi nang lumipat sa Kapuso si Rayver ay hindi na sila nagkikita at nakakapag-jamming.


Nag-enjoy ang mga netizens sa muling pagkikita ng magkakaibigan na naging malapit sa isa't isa nang lagi silang nagkakasama noon sa mga events ng Kapamilya Network.


Kaya nang magkaroon ng pagkakataon na mag-reunion ang tatlong aktor ay gayun na lang ang kanilang kasiyahan, maging ang mga netizens ay nakisaya sa kanilang pag-sasama.


Komento nga ng mga netizens, "Kyut! Na-miss nila ang isa't isa. Kailan n'yo kaya makakasama ang isa n'yo pang brother na si Enchong?"


"Finally, nagkita rin ang mag-BFF na sina Gerald and Rayver #GerVer, hahahaha."


"Cute ng mag-BFF talaga, King Rayver Cruz and Mr. MVP G."


Tanong ng mga netizens, sa pagkikita raw kaya ng magkaibigan ay napagkuwentuhan na nila ang kani-kanilang girlfriend na sina Julia Barretto at Julie Anne San Jose?


Sino kaya ang unang magse-settle down sa kanila, si Gerald o si Rayver?


Kamakailan lang ay na-interview ng ABS-CBN si Gerald. Napag-usapan nila ang girlfriend na si Julia.


Aniya, ang kanyang GF ang love of his life at solid daw ang kanilang relationship.

But when it comes to marriage, wala pa ring proposal hanggang ngayon si Gerald.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page