top of page
Search
BULGAR

GEE AT ANAK, NABU-BULLY DAHIL SA PANGHIHIPO NI ARCHIE KAY RITA

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 1, 2024




Nasagot na ang tanong ng mga viewers ng Widows’ War (WW) kung bakit ilang linggo na nilang hindi napapanood sa drama series sina Rita Daniela at Archie Alemania. Ito'y dahil nag-file nga si Rita ng acts of lasciviousness laban kay Archie.


Si Archie, bigla na lang nawala ang karakter bilang imbestigador. Si Rita bilang si Rebecca, pinalabas namang ipinasok sa isang mental institution. Pero, mukhang lalabas na siya dahil sa Wednesday episode, kausap ni Aurora (Jean Garcia) ang doctor ni Rebecca at okey na raw ito. Baka next, next week, mapanood na uli si Rita.


Ang karakter ni Archie ang malabo nang makabalik pa sa WW at baka nga alisin na siya ng Sparkle GMA Artist Center sa roster of talents nila. 


Sayang at hindi pa naman siya nawawalan ng project sa GMA-7. Dahil sa kalasingan, nakagawa siya ng bagay na siguradong pinagsisisihan niya ngayon.


Naaawa ang mga netizens sa anak ni Archie at ng asawa nitong si Gee Canlas dahil tiyak na mabu-bully daw. Apektado na rin sina Archie at Gee, naka-off na nga ang comment box ng kani-kanyang Instagram (IG) account nila dahil sinugod ng mga netizens na inaway sila at minura pa si Archie.


Hindi umubra ang message ni Archie na, “Sorry kagabi, lasing na kuya mo,” dahil nga nagsampa na ng kaso laban sa kanya si Rita Daniela.


 

SA dami ng celebrities sa bansa na nagko-collect ng Labubu, si Marian Rivera ang napili at naimbitang makasama sa ribbon-cutting ceremony ng very first Pop Mart pop-up store in the country. All-smiles si Marian sa ribbon-cutting at nasa isip siguro nito, madaragdagan na naman ang collection niya ng Labubu.

In fact, sa tanong na “All I want for Christmas is...?” ang sagot nito ay “My family and Pop Mart.” 


Pop-up store lang ng Pop Mart ang binuksan, kapag nakita ng nasa likod ng Pop Mart ang heavy demand sa Pop Mart dolls and Labubu, magbubukas na ito ng Pop Mart store na talaga.


Si Marian ang isa sa may pinakamaraming Pop Mart at Labubu collections at halos araw-araw, may unboxing ceremony siya. Kung dati, kahon ang ina-unbox niya, ngayon, parang sa wood crate na nakalagay ang Pop Mart dolls na ang binubuksan niya.


Samantala, iniisyu ng ibang mga bashers na ipinull-out sa SM cinemas ang Balota at ayaw nilang makinig na kaya ipinull-out muna ang movie ni Marian ay para sa Sine Sindak Film Festival (SSF) sa SM Cinemas. Malamang, ibalik din ang movie after ng SSF.


Ang importante, marami ang nakapanood sa Balota, marami ang nabuksan ang mga mata at malaking bagay daw ito para sa 2025 midterm elections. 

May mga requests nga na ibalik sa sinehan ang pelikula kapag malapit na ang election para magsilbing paalala sa mga botante.


 

PROUD boyfriend si Rayver Cruz sa pagiging Ginebra San Miguel Calendar Girl ng girlfriend niyang si Julie Anne San Jose. 


Sa post ni Julie ng isa sa calendar photo at nabanggit nitong “OBRA MAESTRA” ay happy at grateful daw siya to be part of the Ginebra San Miguel family. 


Well, ang comment ng kanyang nobyong si Rayver, “Isa kang obra maestra. Congrats, my love. Super proud of you!”


Sagot ni Julie sa dyowa, “@rayvercruz thank you my love!!! I love you!” na sinagot ni Rayver ng “@myjaps i love youuu!”


Pati ang brother ni Rayver na si Rodjun Cruz, nag-comment ng “Wohooo! Congratulations Julie! Proud of you,” na pinasalamatan ni Julie. 


Ang cousin ni Rayver na si Geneva Cruz, nag-post ng red heart at fire burning emojis.

Sorry na lang sa mga bashers ni Julie dahil limited ang puwedeng mag-comment sa post niya at hindi kayo welcome. Kung bakit kasi may bashers pa, maging masaya na lang sa achievement ng bawat isa.


Samantala, may show sa Australia sa December 7 sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Sa Melbourne at Sydney ang dalawang shows nila, tiyak na masaya ang kanilang mga fans sa dalawang lugar sa Australia.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page