ni Thea Janica Teh | August 31, 2020
Ilang araw bago matapos ang dalawang linggong general community quarantine (GCQ) sa NCR at ilang kalapit-probinsiya, inirekomenda ni San Juan Mayor Francis Zamora sa Metro Manila Council na ipagpatuloy ang GCQ.
Sa selebrasyon ng ika-124 taon ng Pinaglabanan Day, ibinahagi ni Zamora na masyado
pang maaga para ibaba muli ang quarantine status sa NCR. Aniya, mahirap pang mag-adjust sa bagong polisiya sa maiksing panahon.
Dagdag pa ni Zamora, ang importante sa ngayon ay maipagpatuloy ang balanse sa pagitan ng kalusugan at ekonomiya ng bansa.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Zamora na maganda na ang takbo ng mga negosyo at
establishment sa Manila na pinayagan nang magbukas sa ilalim ng GCQ.
Ipinagdiwang nitong Linggo sa San Juan ang Pinaglabanan Day pati na rin ang National
Heroes Day sa pamamagitan ng pagkilala sa mga frontliners na walang-sawang
pumoprotekta sa mga naapektuhan sa pandemyang ito.
“This is an important day for us because even if we are in the midst of a pandemic, our fightgoes on not only for our freedom but also to be freed from this virus,” sabi ni Zamora.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 516 active case ng COVID-19 sa San Juan.
Comentarios