ni Angela Fernando @World News | Nov. 2, 2024
Photo: AFP / Eyad Baba
Muling binomba ng Israel ang Gaza at Lebanon kamakailan kasabay ng pag-ugong ng mga usaping pansamantalang tigil-putukan sa bansa para sa nalalapit na eleksyon ng pagkapangulo sa United States (US).
Ayon sa mga medic sa Palestinian enclave, hindi bababa sa 68-katao ang nasawi sa Gaza Strip dahil sa mga airstrike ng Israel, at binomba rin nito ang southern suburbs ng Beirut.
Nagpahayag ang militar ng Israel na napatay nila ang mataas na opisyal ng Hamas na si Izz al-Din Kassab sa isang airstrike sa bayan ng Khan Younis sa southern Gaza.
Magugunitang sinisikap ng mga kinatawan ng U.S. na makamit ang tigil-putukan sa magkabilang panig bago ang nasabing eleksyon.
Gayunman, hindi pabor ang Hamas sa pansamantalang tigil-putukan dahil ang mga panukalang ito ay hindi tumutugon sa kanilang mga kondisyon, kabilang ang pagwawakas ng isang taon nang digmaan sa Gaza at ang pag-atras ng mga puwersang Israel mula sa nasirang teritoryo ng Palestine.