ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 2, 2023
Ang Undas ay makabuluhang tradisyon sa ating bansa.
Malaking bagay sa atin ang gunitain ang mga mahal nating sumakabilang-buhay na, kaya’t nagsisilbing parang reunion para sa marami ang panahong ito.
Pagkatapos ng ilang taon na naantala ang pag-obserba natin sa Undas dahil sa pandemya, full-force na muli ang komemorasyon nito.
Lalo pa’t nasa parehong linggo rin ng pagdaos ng Barangay and SK Elections, marami ang nagsamantala sa pagkakataon na makauwi sa kanilang probinsiya.
☻☻☻
Tapos na ang pandemya, ngunit sana’y mag-ingat pa rin ang mga kababayan natin sa sakit.
Tumataas kasi ang mga flu-like cases sa bansa.
Ayon sa Department of Health, tumaas ng 45 percent kumpara sa nakaraang taon ang bilang ng mga flu-like cases sa bansa.
Nasa 151,375 na ang kasong naitala ng flu, ayon sa datos ng DOH na inilabas noong October.
Nagsimula raw ang pagtaas noong September, kung kailan 26 percent ang pagtaas mula sa nakaraang period.
☻☻☻
Maging makabuluhan nawa ang selebrasyon natin ng Undas. Kasabay nito, manatili sana tayong ligtas.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments