ni Angela Fernando - Trainee @News | April 17, 20244
Tinitingnan ng Oversight Board ng Meta Platforms ang paraan ng paghawak ng kumpanya sa dalawang “sexually explicit” na mga larawang gawa ng artificial intelligence (AI) ng mga kilalang artista na kumalat sa mga social media platforms na Facebook at Instagram, ayon sa pahayag ng board.
Nagpahayag sa isang blog post ang board na pinopondohan ng social media giant, na kanilang gagamitin ang dalawang halimbawa ng mga sensitibong larawan upang suriin ang kabuuang pagpapatupad ng mga patakaran at seguridad ng Meta tungkol sa pornograpiya at mga pekeng larawang nabuo gamit ang AI.
Nagbigay din ang board ng mga deskripsyon ng mga larawan ngunit hindi nagbanggit ng mga pangalan ng mga kilalang babae na kanilang sinusuri upang pigilan ang karagdagang pinsalang dala nito.
Ang mga pagbabago sa teknolohiya ng AI ay ang kakayahang bumuo ng mga pekeng larawan, audio clips, at mga video na halos hindi nalalayo mula sa tunay na tao, na nagreresulta sa pagdami ng mga malaswa at pekeng contents na kumakalat online, na bumibiktima sa mga kababaihan at mga batang babae.
Isa sa maugong na kaso nu'ng unang bahagi ng taon ay ang pansamantalang panghaharang ng social media platform na pag-aari ni Elon Musk, ang X, sa mga gumagamit ng platform para sa paghahanap ng peke at malalaswang larawan ng U.S. pop star na si Taylor Swift matapos magkaroon ng pagsubok sa pagtigill sa pagkalat nito.
Comments