top of page

Gates ng Angat at Ipo Dam sa Bulacan, isinara na – PAGASA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2023
  • 2 min read

ni Lolet Abania | January 8, 2023



Isinara na ngayon ang lahat ng gates ng Angat Dam at Ipo Dam matapos na makapaglabas ng tubig nitong Sabado na nagresulta sa pagbabaha sa maraming lugar sa Norzagaray, Bulacan, ayon sa PAGASA.


Sa isang radio interview ngayong Linggo, sinabi ni PAGASA hydrologist Rosalie Pagulayan na lahat ng gates ng Angat Dam ay naisara simula alas-5:30 ng madaling-araw habang ang mga gates naman ng Ipo Dam ay naisara ng alas-6:00 ng umaga.


Hanggang alas-6:00 ng umaga, ang reservoir water level (RWL) sa Angat Dam ay nasa 214.04 meters, bumaba ito mula sa 215.03 meters nitong Sabado.


Gayundin, ang Angat Dam ay may 212-meter spilling level o normal high water level.


Ang Ipo Dam naman ay may 101.21-meter RWL na naitala ngayong Linggo ng umaga, bahagyang mataas sa 101.04 meters nitong Sabado. Mayroon itong 101-meter spilling level o normal high water level.


Parehong ang dalawang dam ay maraming gates na binuksan para makapaglabas ng tubig nitong Sabado dahilan ito sa malalakas na pagbuhos ng ulan sa loob ng nakalipas na mga araw. Ang RWL sa mga dams ay umabot na rin o malapit na sa spilling level.


Dahil dito, nasa 500 pamilya ang inilikas sa Norzagaray, Bulacan nang binaha ang kanilang mga komunidad kasunod ng pagpapalabas ng tubig ng mga dams.


“There are many reported floodings within the Angat River, particularly in our low-lying areas... Actually, this is not only caused by the release of water from dams. We also have what we call local inflows or rains that do not come from that watershed but within the Angat River,” saad ni Pagulayan.


Paliwanag din ni Pagulayan na bago pa nagpalabas ng tubig sa mga dams, nag-isyu na ang PAGASA ng flood advisories, habang ang mga dam offices’ operators ay nagbigay ng due warnings sa Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) para makapaghanda ang mga komunidad sa posibleng pagbaha sa lugar.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page