top of page
Search
  • BULGAR

Gatchalian, tiwalang mahuhuli si Guo sa Indonesia

ni Angela Fernando @News | August 26, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Win Gatchalian & Circulations / FB

Ipinahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Lunes ang kanyang kumpiyansa na maaaresto si Alice Guo sa Indonesia.


''Para sa akin mahuhuli siya sa Indonesia,'' saad ni Gatchalian.


Binigyang-diin ni Gatchalian na nakipag-ugnayan na siya sa mga ambassador ng ASEAN at ipinabatid sa kanya na nakaalerto sila para kay Guo, na nahaharap sa mga kaso sa 'Pinas dahil sa pagkakasangkot niya sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).


''Naniniwala ako 'yung sangay ng enforcement agencies ng Indonesia ay nakaalerto na kaya mahihirapan na siya gumalaw dito sa Southeast Asia. So kanina 'yung mga ASEAN ambassadors nakausap ko and sabi nila nakalerto na 'yung kanilang mga otoridad,'' pahayag ng Senador.


Matatandaang sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na si Guo ay sinasabing sinusubukang makapasok sa Golden Triangle region.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page