ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 10, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_00769e2216814411a3a8bc11cd46c578~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_00769e2216814411a3a8bc11cd46c578~mv2.jpg)
Sa latest interview kay Maine Mendoza ng talent manager-comedian-vlogger na si Ogie Diaz, nilinaw ni Yaya Dub na ang naipundar na mga negosyo nila tulad ng gasoline station at franchise ng McDonald's chain ay hindi galing sa milyones na kinita niya sa showbiz.
Bago pa siya sumikat noon sa Eat… Bulaga! bilang si Yaya Dub na katambal ni Alden Richards, dati nang may gasolinahan at fast food chain ang kanyang pamilya. At nang magbukas sila ng bagong franchise ng food chain ay pera 'yun ng kanyang parents at nakapangalan sa kanilang magkakapatid ang nasabing negosyo.
Limang magkakapatid sina Maine kaya nagpundar ng negosyo at mga properties ang kanyang mga magulang. At ang lahat ng kinita ni Maine sa kanyang showbiz career (TV, movie at endorsements) ay sa kanyang bank account napupunta lahat at hindi nagagalaw. Para raw 'yun sa kanyang future kaya hindi pinakikialaman ng kanyang parents.
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_51b6a31319aa49218606a18d43fff043~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_51b6a31319aa49218606a18d43fff043~mv2.jpg)
Hindi si Maine ang tumatayong breadwinner ng pamilya kaya napakasuwerte niya na hindi siya obligadong magpaalipin sa trabaho.
Likas lang na hilig niya ang pag-aartista at pinalad na sumikat at inidolo ang kanilang tambalan ni Alden Richards.
Malawak din ang pang-unawa ng kanyang mga magulang at binibigyan siya ng laya na magdesisyon sa kanyang buhay.
Bibihira ang tulad ni Maine Mendoza na suwerte sa maraming aspeto ng buhay.
Comments