top of page
Search
BULGAR

Garden rose tea, epektib na panlaban sa insomnia

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 30, 2020




Ang garden roses.


Ano ang kaibahan ng hybrid rose sa garden rose?


Ang hybrid rose ay kadalasang ipinangreregalo para sa mga mahal sa buhay. Sa totoo lang, kaya nilikha ang hybrid rose ay para ialay o ibigay sa mga mahal sa buhay.


Maselan ang pag-aalaga ng hybrid rose, sobrang pag-aasikaso ang kailangan para ito ay tumubo nang maganda at inaalagaan din ito ng chemical fertilizers at spray. Malambot ang mga dahon, petals at maging ang tangkay nito kung ikukumpara sa mga garden rose.


Ang garden rose naman ay ang mga nasa hardin o halamanan, bakuran, parke at bulaklaking lugar. Kadalasan, ang garden rose ay direktang nakatanim sa lupa. Puwedeng hindi na ito lagyan ng chemical na pataba at spray. Kumbaga, mas malakas at matibay ang garden rose kaysa sa hybrid.


Ayon sa kasaysayan, kaya dumami ang garden roses sa buong mundo ay dahil ito ay dala-dala ng mga Tsino, kaya naman kung saan sila manirahan ay may garden roses dahil sa sole purpose na ito ay gawing tea roses.


Kaya lang naman gagawing garden ang isang lugar ay para hindi maubos ang suplay ng rose, gayundin upang hindi mawalan ng rose para sa tsaa.


Ang mga garden rose sa Europe tulad sa United Kingdom, Germany, Sweden at iba pa ay mula mismo sa mga Chinese na nanirahan doon.


Puwede rin gawing rose tea ang hybrid rose, kaya lang, sinasabing mabilis mawala ang bisa ng medicinal value ng rose tea dahil ang hybrid rose ay hindi nilikha para maging rose tea.


May insomnia ka ba at matindi ito? Kumuha ka ng dalawang tasang petal ng garden rose, ibabad mo sa mainit na tubig na kakukulo pa lang. Inumin mo ang iyong rose tea at ito ang magsisilbing “magic tea” para mawala ang iyong insomnia.


Iniwanan ka ba ng mahal mo? Sobrang sakit ba ang nadama mo kaya ang sobrang kalungkutan ay iyong niyayakap, as in, depressed ka na?


Ang sagot sa depresyon ay “kaunting alak lang”, oo, kaunting alak lang, tapos ilagay mo ang ilang petal ng garden rose at ito ang iyong inumin. Ang tawag naman dito ay tonic garden rose.


Gawin mo ito sa loob ng dalawang linggo at magugulat ka dahil bigla kang sasaya. Wala na ang lungkot mo at ang isa pang maaaring ipagtaka mo ay parang gusto mo na namang magmahal.


Tama ang nabasa mo, kumbaga, feel mo na you are ready to love again. Ang dahilan ay ang katotohanan na ang garden rose tea ay isa ring mabisang aphrodisiac.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page