top of page
Search
BULGAR

Garcia, lubayan na ang paghamon kay Pacquiao

ni Gerard Peter - @Sports | December 16, 2020





Pinayuhan ni veteran boxing trainer Robert Garcia ang kapatid nitong si four-division World champion Mikey Garcia na simulan ng maghanap ng ibang makakalaban at tuluyan ng lubayan ang paghahabol kay Filipino boxing icon Manny “Pacman” Pacquiao dahil tila walang patutunguhan ang pag-aasam nito.


It’s a possibility that he could be wasting his time because honestly Pacquiao is also turning 42 [this] month,” pahayag ni Garcia sa panayam ng PBC Podcast. “So Pacquiao may just consider getting easier fights against MMA/UFC guys, like they’ve talked about with (Floyd) Mayweather did and make just tons of money and not take any chances. You never know what Pacquiao might do. If it doesn’t happen, Mikey has to think of something else. We have to plan other stuff.”


Hindi lingid sa lahat ang pursigidong kagustuhan na hamunin ni Mikey Garcia (40-1, 30KOs) ang Pambansang Kamao, kung saan kabilang ito sa mga napipisil na makakalaban ni Pacman, ngunit dahil sa pag-usbong ng mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19) pandemic sa buong mundo ngayong taon, tila lumabo na ang tsansa ng pakikipag-ugnayan ng dating lightweight champion.


Inihayag ni Robert Garcia na walang anumang indikasyon na may patutunguhan pa ang negosasyon sa laban kay Pacquiao (62-7, 39KOs) o anumang malalaking laban na kahalintulad ng sa Filipino boxing legend.


If the pandemic continues the way it is and they start shutting down everything down again we might have to do something smaller (fight) than big,” saad ng nakatatandang kapatid na Garcia. “As of right now, there’s nothing really. There’s nothing lined up. There’s not even any talk (about any other fight). Pacquiao, that’s the only one­…we haven’t really heard much.”


Nagtataka lang umano ang matandang Garcia kung bakit ayaw munang kumuha pansamantala ng mga tune up matches ng kapatid, gayundin ang kaharapin ang iba pang world champions. Huling lumaban ang 32-anyos na American boxer noong Pebrero 29 laban kay Jessie Vargas na nagresulta sa unanimous decision victory sa Ford Center sa The Star Frisco, Texas sa Estados Unidos.


Hinabilinan na lamang nito na mas makabubuting bumaba na lamang ito ng 140-pound division o light-welterweight, dahil naniniwala itong maaari niyang simulan ang kanyang karera sa naturang weight division.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page