top of page
Search
BULGAR

Ganu’n, Kyline? HIRIT NG FANS: PRINSESA BEAUTY ANG BAGAY KAY MAVY

ni Nitz Miralles @Bida  | September 5, 2024



Showbiz News

Ang laki ng ipinayat ni Mavy Legaspi at comment ni Chariz Solomon, “Ang payat moooo but beautiful!” 


Ang sagot ni Mavy, “It’s been a journey... 40lbs down.” 


Kaya swak ang caption niya sa post niya na, “Been doing just fine.”


Sa mga unang posts ni Mavy, makikita siyang nagwo-workout na hindi raw fun at may nabanggit pang hirap na hirap siya sa pagpapapayat. 


Worth it ang pagwo-workout ng aktor at siguradong may kasamang diet. Kita n’yo naman sa photo niya, ang nipis na ng kanyang katawan.


Masaya ang kaibigan ni Mavy sa bagong body built niya, mas gumuwapo raw siya, good looking inside and out, pang-prinsipe raw ang kaguwapuhan niya, kaya bagay sa kanya ang mala-prinsesa sa ganda na girlfriend.


Hindi lang talaga maiwasan sa mga fans ang mag-shade kay Kyline Alcantara at pati na rin kay Kobe Paras. 


Sa mga comments na flat-chested daw si Kyline nagsimula ang bardagulan ng mga fans ni Mavy at mga fans ni Kyline. May sumagot kasing fan ni Kyline na ang babaw ng basehan ng pagmamahal at relasyon kung dahil lang sa malaki ang boobs.


Anyway, tama ang ibang mga fans na mag-move on na ang mga fans ni Mavy at fans ni Kyline; tutal pareho nang nakapag-move on ang mag-ex. Si Kyline Alcantara may Kobe Paras na at si Mavy, pumayat na nang bongga. 

Para masaya ang buhay, bawal ang shading.

 

Idinaan nina Drew Arellano at Iya Villania sa pagsasayaw sa musika ng Mambo No. 5 ang pag-aanunsiyo na nagdadalantao ang TV host sa kanilang ika-limang anak. 


Ang ganda ng ideya ng mga Arellano na i-announce na buntis muli si Iya.

Sa simula, si Drew lang ang nagsasayaw. Sa sumunod na eksena, magkakasama na sila bilang pamilya habang karga ni Iya ang bunso. Si Drew ang may hawak ng dalawa nilang boys, at nasa harap nila ang kanilang unica hija.


Ang sumunod na eksena, ipinakita ang Arellano kids mula sa panganay, sa second boy, sa kanilang babae, at sa bunso. Ang huling eksena ay ang ultrasound result ni Iya.

Maraming nag-congratulate kina Iya at Drew, gaya ng may basketball team na sila. May nagsabing hindi siya nasorpresa at ramdam na lahat ay masaya na madaragdagan na naman ang Arellano kids.


May nag-comment na ginalingan nina Iya at Drew sa baby-making department at ang sagot ni Iya, “Final clearance na ‘to before shop closes.” 


May mga naniniwala pang madaragdagan pa ang Arellano kids, kaya abangan na lang!

Dahil buntis na naman si Iya, mapapanood uli natin ang magaling niyang pagtatago ng baby bump habang nagre-report sa Chika Minute ng 24-Oras. Ilang linggo ring hindi siya mapapanood kapag malapit nang manganak.


 

BONGGA si Angelica Yulo, ang mom ni Carlos Yulo, dahil hindi na lang pagbebenta ng garlic longganisa ang pinagkakaabalahan, nag-live selling na rin siya. 


Patok sa mga netizens ang mga ibinenta niyang beauty products at mga damit. Tinulungan siya sa bago niyang negosyo ng anak na si Eldrew.


Suportado ng mga netizens ang live selling ni Angelica at ipino-promote pa siya.


Suportahan daw ang mga nagsisimula at small business na gaya sa live selling. ‘Katuwa lang dahil may mga comments na si Eldrew lang ang binati at hindi si Carlos at pinayuhang galingan ang training.


Napagod yata si Angelica dahil nag-post ng, “All invoices sent. Tomorrow na po kami mag-verify ng payments and shipping fee (SF), thank you so much. Rest po muna kami.”

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page