ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 04, 2021
Sa panayam sa kanya ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment ay nag-open-up si John Lloyd Cruz tungkol sa pagiging ama sa 3-year-old son nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.
Dahil nga co-parenting naman ang setup nila ni Ellen kay Elias ay regular niyang nakikita’t nakakasama ang anak kahit hiwalay na sila. At ibinahagi nga ng aktor ang mga ginagawa nila together kapag magkasama sila ng bagets.
“We like to get lazy, especially at night, ‘yung winding down na and time for bed. I like those moments, ‘yung talagang galing kami sa buong araw na… very active kasi ‘yung bata, eh, and madalas, struggle. He’s about to turn three. Very active siya, so madalas hindi na siya nakakapag-nap in the afternoon. So, ‘pagka ganu’n, at you see him winding down at night, pipikit-pikit ‘yung mata niya, nilalabanan niya, ‘yun ‘yung gustung-gusto ko na parang alam mo na napagod siya today, so it’s a good day…” ang kuwento ni JLC.
When asked kung ano ang mga qualities ni Elias na nakuha sa kanya, unang sagot ni Lloydie ay “Ayokong makita sarili ko. Wala.”
Pero nang tanungin siya ulit, sagot ng aktor, “Bibig, mata. Meron siyang ginagawa sa bibig niya, sa mata na kakabahan ka, eh, kasi… Pero magbabago pa naman ‘yun. But he’s very stubborn like me and like the mother.”
For the first time ay nag-open-up din si Lloydie during those times na nalaman nilang nagdadalantao si Ellen at magkakaroon na sila ng baby.
“Hindi siya ganu’n kadali. Parang pampelikula lang pala ‘yung ano — ‘yung parang nalaman mo, parang, ‘Magiging tatay na ako!’. Para sa akin, hindi. I mean, kung ano ‘yung nangyari sa akin, hindi. To each its own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay ‘yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin… We wanted it, eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” he said.
Habang ipinagbubuntis ni Ellen si Elias, ayon kay Lloydie ay sabay-sabay din ang mga turn of events sa buhay nila.
“Ang daming nangyari at that time… like ‘yung father ni Ellen (Adarna) passed away two weeks before ipinanganak si Elias and she was going through motherhood, becoming a mother and our own personal issues. ‘Di ba parang lahat, ang daming nangyari? And halos walang time actually to reflect on what’s happening on a day-to-day basis. And I was going through my own…
“So, ngayon lang talaga nu’ng nakita mo na and humahaba na ‘yung mga araw —‘ di ba, parang ‘and’yan na siya. Totoong responsibility na. Oo, pupunta kayo ng doctor…
“So, siguro sa akin lang, it’s a process na — kapag kasi masyado ka na nagre-reflect about the process, para siyang ‘life happens when you’re so busy planning,’ para siyang ganu’n.
“But ‘pag may mga random or mga unexpected na conversations and you actually ponder on being a father, ‘yun lang naman talaga ‘yung time na mapapaisip ka na, ‘Oo nga, ‘noh?’
“Kasi napakaano niya, eh, matrabaho siya, so parang practical siya. It’s very physical as well, so nandu’n ka sa physicality of being a father, parang minsan lang naman ‘yung mapapaisip ka and mapapa-reflect ka na… it feels nice, ah,” pahayag ni Lloydie.
And now na 3 years old na si Elias, aminado ang aktor na proud daddy moments sa kanya nang matutong magsalita ng “please” at “thank you” si Elias.
“Pinaka-proud ako hearing him say ‘please’ and ‘thank you.’ ‘Yun lang naman ‘yung parang munting pangarap ko nu’ng ipinanganak siya na sana, matuto siya mag-‘please’ at ‘thank you,’” ani Lloydie.
Comments