top of page
Search
  • BULGAR

Ganu'n daw kamahal ang ina, 'di lang nakikita ng iba…

IAN, IPINAGSIGAWANG PATAY KUNG PATAY PARA KAY NORA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 30, 2020



Speaking of Ate Guy, sa live streaming ng magkapatid na Ian and Matet de Leon sa YouTube a few days ago, sinagot nila ang ilang espekulasyon at akusasyon sa kanilang magkakapatid, partikular na nga ang isyung pinababayaan daw nila ang ina.


Si Ian ang unang nagbukas ng issue dahil aniya, once and for all ay gusto na raw niyang isara ang isyung ito.


“Unang-una, mahal na mahal namin ang mommy namin, walang makakadurog nu’n. Kung kami magkakasama, iba ‘yung samahan namin 'pag magkasama kami ni Mommy, iba,” unang paglilinaw ni Ian.


Pangalawang nilinaw ng aktor ang tanong na noon pa itinatanong sa kanila at ito ay kung bakit daw wala silang larawan na kasama si Ate Guy. At ito nga rin marahil ang dahilan kung bakit nag-post si Lotlot ng picture nila ng ina kahapon.


“Isyu ‘yung parang pinabayaan natin si Mommy. Kasi hindi nila nakikitang kasama ‘yun sa mga pictures, mga ganu’n,” sey ni Ian.


Singit naman ni Matet, “Sila ang kumukuha ng litrato.”


Sagot naman ni Ian, “Oo nga, ‘yun nga. As in sobrang. . . alam mo, sasalo ako ng bala para sa mommy namin.”


Dagdag pa ni Ian, ang dami raw issue sa kanilang mag-iina na mas nakakagulo pa kaysa nakakatulong.


“Ang gusto ko lang ipaalam sa ating mga manonood, kami, as mom’s children, ang respeto namin kay Mommy, higit pa sa buong mundo, higit pa sa galaxy, higit pa sa lahat ng nakikita n’yo rito sa universe,” he said.


Pahayag naman ni Matet, kung ang iba raw ay hindi naniniwala, wala na raw silang magagawa. Pero nagpasalamat naman siya sa mga Noranians na naniniwala sa kanila at nakakakilala sa kanila.


“Pero ‘yung mga nakakarinig lang ng tsismax, ganu’n, wala kaming magagawa kung ‘di kayo naniniwala. So, kung puwede, kung nanonood kayo, tigilan n’yo na ang kako-comment sa IG ng ate (Lotlot) ko,” ani Matet.


Hindi lang daw sumasagot ang ate niya pero siya raw, talagang papatol siya kapag may nababasa siyang hindi maganda.


Nabanggit din ni Matet na ayaw naman talaga ng picture ng kanilang ina na sinegundahan ni Ian.


Paglilinaw pa ng aktor, sa maniwala raw tayo at sa hindi ay may communication sila ng ina.


“Believe it or not, we are always together, alam mo ‘yun, kahit magkakalayo kami, we are always in touch, we are always communicating.”


Masakit daw para sa kanila ang mga ibinabato ng mga tao sa kanilang magkakapatid lalo na kay Lotlot.


Habang naka-live ang magkapatid ay marami naman ang nagpahayag ng kanilang suporta lalo na nga ang genuine diehard Noranians. Binabasa nila ang mga comments at nagpapasalamat sila sa mga ito.


Ayon pa kay Ian, talagang ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga Noranians sa kanyang ina at sobrang thankful siya na napakarami pa ring fans na nagmamahal sa kanilang ina.


“'Yun lang, guys, ‘yun ‘yung mga gusto ko lang i-share na nasa saloobin ko, nasa saloobin namin ng mga kapatid ko. Si Mommy, may-edad na, pagod na rin sa mga issues. Ang gusto lang niya, maging peaceful kaming family. Gusto lang niya, happy, simple.


“Actually, mahiyain talaga si Mommy, mahiyain talaga siyang tao. And kung ano ‘yung hindi ninyo nakikita na samahan namin, eh, sa amin na lang po ‘yun,” sey pa ni Ian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page