top of page
Search
  • BULGAR

Ganu'n, Aljur? KYLIE, MAGBE-BEHAVE RAW MUNA DAHIL SENADOR NA SI ROBIN

ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 2, 2022



Sa preskon ng Kapuso new series titled Bolera ay hindi na natanong sa lead actress nito na si Kylie Padilla kung posible ba na magkabalikan sila ng ex-husband niyang si Aljur Abrenica dahil may dalawa naman silang anak.


Inamin din ni Kylie na hindi pa sila nakakapag-usap ng ama niyang si Senator-elect Robin Padilla since nanalo at idineklara itong No. 1 senator sa natapos na senatorial race and even added na kailangan na niyang mag-behave dahil isa na siyang anak ng senador.


“Hindi pa kami nakakapag-usap, pero feeling ko, automatic na ‘yun na kailangang mag-behave muna. ‘Yun lang, hindi pa kami nakakapag-usap,” pahabol pa niyang sey.


Naku, Kylie, kausapin mo na ang erpat mo 'coz madali naman siyang kausap at madaling makaintindi, in pernes.


As the saying goes, ang pag-uusap nang paupo at hindi patayo ay magiging maganda ang kalalabasan.


Boom, ganernnn!


'Yun lang and I thank you.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page