top of page
Search
BULGAR

Ganern, Pia! HEART, GUSTO LANG MAGPAANDAR KAYA TODO-PASUOT NG MILYONES NA ALAHAS SA MGA ALAGA

ni Ambet Nabus @Let's See | August 22, 2024



Showbiz News
Photo: Heart Evangelista / IG

May mga nang-iintriga kay Heart Evangelista kung tunay daw ba o peke ang mga alahas na ipinasusuot nito sa kanyang mga alagang aso at pusa. 


Marami kasi ang nagsasabing sa milyones na halaga ng mga alahas, imposible namang para lang iyon kay Panda (fave dog ni Heart) at sa iba pang aso niya.


Pero mabilis naman itong dinepensahan ng ilang malalapit sa aktres-fashion icon na ipinagagamit o ipinasusuot lang 'yun ni Heart kapag trip nitong magpaandar sa mga photoshoot o mag-post sa social media. 


Although tunay daw talaga ang mga iyon at para sa kanyang mga pets lang talaga naka-assign ang milyones na alahas. 


Napakasuwerte namang mga alaga niyan. Hmmm... ansabe?


 

Maganda ang halimbawang ipinakita ng TV5 management matapos nitong tanggalin sa trabaho ang program manager ng News and Current Affairs na si Cliff Gingco, na inakusahan ng pangmomolestiya ng isang baguhang talent ng network. 


Matatandaang nagkaroon ng sariling imbestigasyon ang TV5 pagkatapos itong i-broadcast ni Sen. Raffy Tulfo, na naghamon pa ng pagre-resign sa show niya kung hindi aaksiyunan ng pamunuan ang isyu. 


Mismong ang big boss na si MVP o Sir Manny V. Pangilinan ang nag-break ng news kay Sen. Tulfo hinggil sa resulta ng ginawang imbestigasyon ng network.


Hindi na kinailangan pang dalhin sa Senado ang usapin o iba pang legal na aksiyon dahil sinibak na nga sa trabaho ang tinutukoy na nangmolestiya. 


Kung ipagpapatuloy man ng biktima ang pagdedemanda sa sinibak na opisyal ay hindi pa malinaw sa ngayon. 


Pero dahil sa magandang aksiyon na ito ng TV5 management, may hustisya nang nakuha kahit paano ang biktima. 


Well, dapat talagang papurihan at pamarisan ang management ng TV5 dahil sa ginawa nila. 


Sana ay may matutunan tayo at ang iba pang TV networks at movie production companies dito, lalo’t tila nagiging ‘normal’ na tanawin sa Senado ang mga hearing ngayon kaugnay ng mga “sexual assault, rape, harassment, at molestation issues.”


 

 

GUSTO rin nating batiin ng congratulations si Ms. Joy Marcelo dahil na-promote siya sa GMA-7 bilang First Vice-President ng Sparkle GMA Artist Center and Talent Development & Management. 


Mula sa pagiging Vice-President, na-recognize ang kanyang “exemplary leadership and numerous successful initiatives” na nakatulong sa pag-elevate ng Sparkle sa pamamagitan ng mga events, digital innovations, at branding efforts both locally and internationally. 


Naging instrumental din si Ms. Joy sa tagumpay ng mga Sparkle Tour, gaya ng series of back-to-back concerts sa USA at Canada at soon sa Japan.


Inaasahang ang almost 50 stars na naging bahagi ng Signed for Stardom 2024, ang GMA Gala 2024, pati na ang pag-spearhead niya ng first TikTok series, ang Kilig Series, at pag-recruit ng mga international stars gaya nina Kim Ji Soo at Nancy McDonie, ay patuloy na magiging bahagi ng mahusay na liderato ni Ms. Marcelo. 

Congratulations po, Ma’am Joy Marcelo!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page