ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | December 2, 2020
'Niwey, change topic na tayo.
Bagama't nakapili na ang Star Cinema at ipinakilala na nga si Jane de Leon para gumanap dapat na Darna, tipong si Liza Soberano pa rin ang natitipuhan ng ilang netizens para gumanap sa superhero role na balitang gagawin na lang TV series at hindi na pelikula. Ito ay kahit na tumanggi nang maging new Darna si Liza.
Kabilang ang aktor na si Paulo Avelino sa mga gustong maging new Darna si Liza Soberano, sa true lang.
“Iba talaga ang tingin, galing!” komento pa ni Paulo.
Kunsabagay, may 'K' naman talaga si Liza Soberano na maging new Darna sa pelikula man o maging sa telebisyon, ha?
So, why not, chocnut? And who knows, baka gusto rin ng manager niyang si Panyerong Ogie Diaz na maging new Darna si Liza Soberano na isa sa kanyang mga talents sa kanyang kuwadra.
Yes or no, ha, Panyerong Ogie Diaz? Mag-yes ka na para ma-invite me sakaling magpapreskon ka.
'Yun daw, oh! Insert smiley, J!
Dinala raw sa motel… JOED, UMAMING DINUGO NANG MAKATIKIM NG FIRST TIME SA GAY REPORTER
Inamin ni Joed Serrano, producer ng pelikulang Anak Ng Macho Dancer via his Godfather Productions, na ang naka-devirginize sa kanya ay isang gay movie press.
With no malice and offense meant, du'n sa solo preskon ni Ricky Gumera, isa sa cast ng Anak Ng Macho Dancer, ay tinanong ni yours truly si Joed Serrano (dating star ng That’s Entertainment) ng something like… "Kapag first time n'yo (meaning, mga bading) sa sexual anal intercourse ('coz aminado naman si Joed na certified bading siya) ay nasasaktan ba kayo tulad ng mga virgin na girlash at dinudugo rin?”
Ang sagot ni Joed, "Ah, anal intercourse. Ang naka-devirginize sa akin nu'n ay isang movie reporter. I was only 16 years old then..”
Reporter? Sino? At buhay pa ba?
“Ha! Ha! Sa aspetong 'yun Tita Mercy, straight to the point kang magtanong, nagulat ako ru'n, eh, kasi… sa Ropers Studio, eh, may pictorial ako, tapos biglang dinala ako sa motel, akala ko kung ano ang gagawin, nagulat ako ru'n. So, siya ang naka-devirginize sa akin. Umiyak ako ru'n.”
Hindi man lang siya nagpumiglas o lumaban?
“Takot ako, eh. Hindi kasi ano, eh, naglayas ako from Laguna…kasi hindi alam ng mommy at daddy ko na mag-aartista ako noon. Kaya takot akong mag-react, takot akong lumaban, kasi 'yun nga, hindi alam ng parents ko.”
Pero kilala 'yung reporter na 'yun?
“Well, kilala n'yong lahat. Umiyak ako nu'n. Sobrang sakit. Kasi 'yung ginawa niyang 'yun, hindi ko alam 'yun, eh. Hindi ko alam na may ganu'n pala.”
So, dinugo nga ba siya?
“Oo…kasi virgin na virgin pa ako noon,” diretsong pag-amin ni Joed.
Dahil rich naman si Joed, asked namin siya kung may balak ba siyang maging transgender o kung gusto ba niyang ipa-"hello, love, goodbye" ang kanyang junjun (read: penis)?
Sagot niya, "Ayoko. Enjoy ako sa ti-- (toooot, censored na pls?) ko!"
Samantala, isa pang rebelasyon niya, “At kaya ko ginawa itong pelikulang Anak ng Macho Dancer ay dahil napakalib*g kong tao.”
Oh, really?
“Yeah!” sagot niya.
In pernes, ha, masarap interbyuhin si Joed Serrano. Napakaprangka, straight to the point kung sumagot sa mga tanong sa kanya ng movie press, and yo sago, always ay may big revelation, sa true lang!
Sana all. Boom, ganernnn!
Comments