top of page
Search
  • BULGAR

Ganern, Congw. Lani? HIRIT NI SEN. BONG: OKS LANG MAGSUNGIT, BASTA SA ASAWA LANG!

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 4, 2022





"Ang sikreto diyan ay ang pagmamahal mo. Kailangan ay hindi maglalaho at dapat pareho ang feelings na ganu'n sa isa't isa.


"'Yun bang parang lagi pa rin kayong nagliligawan. Natural na 'yung magkatampuhan ang mag-asawa 'pag nag-aaway paminsan-minsan. Pero kailangan, maresolba rin agad if ever na may gusot or problema ang mag-asawa," ang katwiran ni Sen. Bong.


Ang naging katwiran at pahayag naman ni Cong. Lani, "Ako, siyempre, parehas kami. Saka 'pag may panahon na may problema at 'di maresolba agad, dasal lang ang kailangan.


"And eventually, God will intervene in your marriage. Maaayos din ang lahat."


Bigla namang sumingit si Sen. Bong after magsalita ng misis niya, "Natural lang sa tao na kapag nagkakaedad na, nagiging masungit."


"Masungit ka ba, Sen. Bong?" asked naman ni yours truly.


"Siya, masungit," sagot ng senador sabay turo kay Cong. Lani with matching halakhak.


Binalikan siya ni Congw. Lani sabay sabing, "Masungit siya" with matching smile na pagkatamis-tamis habang nagkatitigan silang mag-asawa na tipong love team of the year lang ang arrive with matching kilig factor.


"'Pag masungit ako, mainit ang ulo, palagpasin lang. Normal 'yun sa tao, 'di ba? Basta huwag lang ibang tao ang susungitan mo… asawa lang," sabay super-halakhak ni Sen. Bong na lalong naging guwapo sa tingin namin that very moment, sa true lang.


'Niwey, in real life, at sa totoo lang, proven na ang mag-asawang Bong at Lani Revilla sa pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi lang agimat meron ang isang Bong Revilla, Jr. kundi meron din siyang golden heart, pati na rin ang misis niyang si Lani, plus ang kanilang mga anak.


Hindi sila maramot sa pagtulong sa mga needy ones, kaibigan man nila o hindi.


So, we salute you, Senador Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla. And more power to both of you.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page