top of page
Search
BULGAR

Ganern, aktres, kaya todo-kilig… SANYA, ASIKASUNG-ASIKASO NI GABBY KAHIT WALA NANG CAMERA

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 16, 2021




Mukhang si Sanya Lopez ang most popular star ngayon sa Kapuso Network ke mereseng may pandemic Covid-19 all over the world.


Sumikat si Sanya sa TV seryeng First Yaya katambal si Gabby Concepcion, at bagay pa rin sila 'coz hindi naman halata sa fezlak ni Gabby na nag-umpisa ang showbiz career niya nu’ng dekada '80 or late part of dekada '70.


Tipong makinis pa rin at wala pang kulu-kulubot ang fezlak ng erpie ni KC Concepcion at ni eyebags ay waley kang mababanaag.


Well, hindi natin alam kung nagparetoke siya o ganu’n na talaga ang lahi nila na matagal bago magmukhang damatan (read: matanda).


And speaking of Sanya Lopez, bagay silang dalawa ni Gabo, ha! At maski off-cam ay inaayusan pa ng ex-husband ni Sharon Cuneta si Sanya na ikinatatawa lang ng actress na tipong may kilig factor silang dalawa ni Gabo, in pernes.


Wait lang, 'di kaya sa mga nakaraang taping nila ng First Yaya na number one teleserye ngayon sa Kapuso Network ay tipong nabulungan ni Gabby itong si Sanya ng something like….

"Maganda akong maglahi,” biro man o hindi?


Just asking but not yellow, beybi! Boom, 'yun, oh!


Well, kunsabagay, look, Dick, look n'yo na lang ang panganay na anak ni Gabby kay Sharon na si KC Concepcion, very pretty na tulad ng lemon tree, devah?


Na puwedeng lagyan ng background music na may lyrics that goes.. "Lemon tree very pretty and the lemon, very sweet,” yes, swak sa byuti ni KC Concepcion, in pernes!


Kaya naman siguro itong si KC, dahil alam niyang she’s very pretty ay panay ang project sa mga social media ke mereseng ipakita na niya ang naghuhumindig niyang boobs at makinis niyang singit, sa true lang.


Kaya true lang na talagang magandang magpalahi sa isang Gabby Concepcion.


Tsk, sayang at naunang ipinanganak si yours truly kesa kay Gabby, disin sana’y nagpalahi rin sa nasabing aktor ang inyong lingkod, boom chararattt, hahaha!


'Niwey, malapit nang magtapos ang seryeng First Yaya. Now ang tanong, madadalas pa kaya uli ang pagkikita nina Gabby at Sanya?


Well, puwedeng YES, puwedeng NO, lalo na ngayong marami ang nag-uudyok kay Sanya na sumali sa mga beauty pageants para maging Miss Universe, Miss World, Miss International na napanalunan noon ng ilan nating aktres tulad nina Gloria Diaz, Melanie Marquez, Margie Moran, atbp..


Ayon kay Sanya ay flattered siya sa mga nag-uudyok sa kanya na sumali sa mga beauty pageants, pero not now daw. Kasi nga, super busy siya ngayon sa mga projects niya sa Kapuso Network tulad ng First Yaya at Agimat ng Agila.


“Not now. Maybe in the near future,” sey na lang ni Sanya at hindi naman daw niya isinasarado ang kanyang pinto sa nasabing idea.


“If that’s what fate in store for me in the future, well let’s see,” added na sey pa ng "First Yaya" ni Gabby Concepcion.


First Yaya daw, oh! Insert smiley, ☺!


Well, malay natin, kundi man siya malahian ng isang Gabby Concepcion ay baka 'pag sumali siya sa Miss Universe or Miss World ay mas marami pa siyang ma-meet na guys buhat sa iba’t ibang magagandang lahi tulad ng mga Americans, Europeans, Istraelites, British, atbp. na talagang masasabing “magandang magpalahi” boom, ganernnn!


O, siya….'yun lang muna and I thank you.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page