top of page
Search
BULGAR

Gandang-ganda sa pictures sa kalendaryo ng aktres… ECHO, IDE-DELETE NA ANG CALENDAR APP SA CELLPHONE DAHIL KAY JANINE

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 19, 2024



Photo: Janine Gutierrez at Jericho Rosales - Instagram


Nakakatuwa ang naging komento ni Jericho Rosales sa recent calendar photos ng rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez para sa pagiging endorser nito ng isang liquor brand. 


Nag-post si Janine ng ilang classy at stunning photos niya sa kanyang Instagram (IG) account.


Sa unang komento ay mapapansin ang isinulat ng leading man ni Janine sa Lavender Fields (LF) na si Echo, “Deleting my calendar app.”


Napansin ng mga netizens ang komento ng aktor at natuwa sila sa pagiging vocal ni Echo sa paghanga kay Janine. 


Pinuri rin ng mga netizens ang maalindog at classy na imahe ni Janine sa mga larawang ipino-post niya.


Anila, “Kahit ipinakita n’ya ang kanyang sexiness ay nananatiling elegante at classy pa rin si Janine.”


“Hoy, Echo, ‘wag mong sayangin si Nini, pupunta ako sa bubong mo pag-uwi ko.”


“‘Wag mong ipakita sa iba, kami na lang ang mag-aalaga, char! Sana, lahat ng ibang lalaki, magsasabi sa ‘yo.”


“‘Yan si Echo! Hahaha!”


“Ganito ang calendar concept poses, ‘di ‘yung mukhang nagtitinda lang ng panty at bra sa brochure ‘yung model.”


“Hahaha! Kagulo ng mga boys nang dumalaw si Janine sa AB wearing skinny jeans, eh. What more pa kung skinny looks na s’ya sa kalendaryo?”


“Grabe! Ms. Janine. Ikaw na laman ng Facebook (FB), X (Twitter), YouTube (YT), Instagram (IG), ngayon ito naman. Grabe, nakaka-amaze ang kagandahan mo.”


Naku, kung totoong sina Echo at Janine na nga, napakasuwerte naman ng aktor, ‘di ba?


 

Matagal na ang sitsit sa businessman at friend ng mag-partner na Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Atong Ang na diumano, ito ang bagong karelasyon ni Sunshine Cruz, pero walang makapagpatotoo sa isyu.


This time ay may resibo nang lumabas sa dalawa. Nakuhanan ng video sina Sunshine at Atong habang naghahalikan in public at nag-viral ito sa social media. 


Lumabas ang nasabing larawan sa Bilyonaryo News Channel kaya umamin na si Atong


Ang na sila na ni Sunshine nang makapanayam siya rito.


Halos anim na taong naging karelasyon ni Sunshine si Macky Mathay bago ang kumpirmadong relasyon niya kay Atong.


Noong 2018, na-annul ang kasal ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano na ama ng kanilang tatlong anak na babae.


Ayan, siguro naman, matitigil na rin ang pag-uugnay kina La Greta at Atong. Purely business at friendship lang talaga ang namamagitan sa dalawa, huwag nang bigyan ng ibang kulay ang mag-family friend.


Eh, sino ba naman ang hindi masisilaw sa kagandahan ng ex-wife ni Cesar Montano, ‘no?


 

NAGBIGAY si Anne Curtis ng Christmas party para sa mga kasamahan niya sa It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na eere na next year. Pinasalamatan niya ang whole cast ng

Pinoy adaptation nila ng K-drama.


Ani Anne, “We’ve done 4 pretty toughs yet fun lock-ins, it was a great night to give back and

have fun with the cast, staff and crew. Merry Christmas, IOTNBO Fam. See you next year!”


Nagkomento si Angelica Panganiban sa post ni Anne. Patanong niyang komento (as is), “Musta na liver kambal?”


Sumagot naman ang TV host-actress: “Pagod na kambal, miss na kita, tag team.”

Sumingit naman si Enchong Dee, “Hindi na lang ako magsasalita.”


Sey naman ni Anne, “@mr_enchongdee huy, huy, huy! Marami akong pang-birthday greeting mo, next year. ‘Wag kang magulo.”


Pinasalamatan naman ng mga kasamahan ni Anne Curtis sa IONTBO ang TV host ng It’s Showtime.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page