top of page
Search
BULGAR

Game nang makipagbati… JK, PAYAG MAKASAMA SI DARREN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 16, 2024



Photo: JK Labajo at Darren Espanto - IG


Four years palang niligawan ni Sylvia Sanchez ang anak-anakang si JK Labajo para pumayag nang mag-concert sa big venue.


Ibinuking ni Ms. Ibyang sa mediacon kahapon ng Juan Karlos Live na mapapanood sa Mall of Asia Arena on Nov. 29 na kulang sa self-confidence noon si JK at ‘di ito naniniwala na sikat na siya kahit sikat na sikat ang kanta niyang Buwan.


Kaya kahit noon pa raw niya sinasabing ipagpo-produce ito ng concert sa big venue, ayaw pumayag ni JK.


Pero ngayong may 10 yrs. na rin si JK sa music industry, hinog na hinog na talaga ito lalo't sumikat din ang kanta niyang Ere, Demonyo, Kasing-Kasing at marami pang iba.


Malaki ang tiwala ni Ms. Ibyang kay JK bilang singer-performer kaya niya ito ipinagprodyus ng Juan Karlos Live sa MOA at alam daw niyang kayang-kaya nitong punuin ang big venue.


Puring-puri rin niya ang kabaitan ng anak-anakan at in fact, si JK pa raw ang nag-request na gawin lang affordable ang ticket prices para makapanood ang kanyang teenage fans.


Samantala, nakumusta naman namin si JK tungkol sa naging issue nila noon ng contemporary niyang si Darren Espanto na matatandaang umabot pa sa demandahan.


Ayaw mang mag-mention ng name ni JK at ayaw na raw sanang pag-usapan ang issue, nasabi naman niyang open siyang makipag-ayos kay Darren at maka-collaborate ito sa show kung sakaling may offer.


Nag-mature na raw sila at hindi na dapat nagkakaroon ng mga away at magkaayos na lang.


Well, tama naman, maliit lang ang industriya at maganda nga sigurong magkaayos na sila. At tiyak na matutuwa rin ang mga fans na makitang magkasama sila sa isang show.

Why not, Ms. Ibyang, devah?


 

Malaki raw ang tiwala sa BF… 

BIANCA, ‘DI NAGTSE-CHECK NG PHONE NI RURU


Bianca Umali at Ruru Madrid - Instagram

KAHAPON lang uli namin nakapanayam nang medyo mahaba-haba at seryosong usapan ang Kapuso actress na si Bianca Umali after ng contract signing niya para sa Pina Skin Care Soap.


Proud si Bianca na siya ang napiling endorser ng soap dahil sinusuportahan niya ang advocacy nito na ma-uplift ang kababaihan lalo na ang mga nakakaranas ng bashing dahil sa kanilang kulay at kutis.


Bumilib kami sa mga sagot ni Bianca na hindi lang pala pang-beauty queen ang ganda kundi beauty and brains talaga at malalim magsalita ang aktres, alam mong maraming pinaghuhugutan.


Nang ikuwento niya sa amin ang nangyari sa kanyang buhay kung saan namatay ang kanyang ina nu'ng 5 yrs. old pa lang siya at sumunod naman ang kanyang ama nu'ng 10 yrs. old siya kaya lumaki siya sa kanyang lola, saka namin naintindihan kung bakit ganu'n ka-strong ang personality ni Bianca at kung bakit ganu'n siya kalalim magsalita.


Kaya nga tinanong siya ng press sa launching and contract signing niya sa Pina Soap kung may balak ba siyang sumali sa beauty pageant dahil sobrang qualified naman niya with her beauty and brains, pero ani Bianca, hindi ito ang focus niya sa ngayon lalo't may mga ginagawa pa siyang serye sa GMA-7.


Blooming si Bianca Umali at aminado siyang nakakaganda talaga ang pagmamahal. Seven years na sila ni Ruru Madrid at malaki na raw ang tiwala nila sa isa't isa.


Pareho naman daw silang seloso pero kung may dahilan lang naman. Pero hindi raw siya ang tipo ng girlfriend na nagtse-check ng phone ng guy.


Naniniwala sina Bianca at Ruru na sila ang itinadhana sa isa't isa kaya napag-uusapan na nila ang kasal, lalo't tanggap na rin sila ng kani-kanilang pamilya.


Para sa iba pang detalye sa interview namin kay Bianca, watch n'yo na lang sa Bulgar YouTube channel na eBulgar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page